MTRCB Rating: R-13
Chicco's Rating: 9.5/10
At eto na nga ang trending na pelikula ngayong buwan ang The Conjuring... Halos magkasing sikat ang palikulang ito at ang bagyong Maring... Sa Facebook nga, kundi picture ng binaha eh mga posts na nanonood sila ng movie na ito.. Sa totoo lang, marami na ang nagsasabi na nadodownload na ang movie na'to pero mas pinili ko talaga na hintayin sya sa sine para mas F na F ang panunuod at ramdam na ramdam ko ang bawat hilakbot at takot. Kaya naman last week pa lang eh nanuod na kami nung advance screening.. Today, sa mismong bday ko at ng C.IN.E.MO, ang nationwide premier.. Eto na nga ang aking pananaw patungkol sa movie..
Story:
Ang movie ay umikot sa Perron Family at sa kanilang nilipatang bahay na ginagambala ng masasamang elemento.. Binubuo ang pamilya ng mag-asawang Perron at kanilang 5 na anak na babae..
Yes, pic ito ng tunay na Perron family dahil ang movie ay base sa totoong pangyayari.. Kaya lalong nakakatakot.. Humingi ng tulong ang mag-asawa sa kilalang paranormal investigators na sina Ed at Lorraine Warren na nagkocollect din ng mga possessed objects.. Isa na na dito ang nakakalokang manika na si Anabelle..
Ano ang magiging papel ni Anabelle sa movie na ito?? Ano ang gumagambala sa bahay ng mga Perron?? Matutulungan kaya sila ng mag-asawang Warren?? Sinu yang nasa likod mo?? Yan ang malalaman nyo kapag nanood kayo neto..
Cast:
Pinagbibidahan nina Patrick Wilson (na bida din sa Insidious) as Ed Warren at ni Vera Famiga (mula sa isa pang nakakalokang movie na Orphan) as Lorraine Warren.. Kasama nila sa movie si Lili Taylor (bida naman sa The Haunting) as Carolyn Perron.. Effective ang mga bida dahil na din siguro sa experience nila sa mga horror/suspense films.. Standout sina Vera at Lili bilang mga ina sila na nagpoprotekta sa kanilang mga anak.. Mahuhusay din yung mga batang nagsipagganap na Perron children.. Very innocent at realistic ang arte kaya nakakadagdag ng takot..
Baket nga ba ako nagandahan sa The Conjuring? Eh kasi naman nga, nandun yung takot na base ito sa totoong buhay.. Marami na akong napanuod na pelikula na may temang exorcism pero kakaiba toh dahil pamilya ang bida.. Maganda ang atake nila sa pananakot.. May part sa movie na Hide and Clap na talagang nakakaparanoid.. Kapag naaalala ko nga eh kinikilabutan ako... May mga part din na kahit na wala namang multo eh kikilabutan ka dahil sa galing ng mga arte... Marami na ngang nakapanuod neto sa dvd or dahil nadownload na pero worth it na panuodin sa sinehan... I swear!!
All in all, kung trip nyo ang horror movies, siguradong maeenjoy nyo ito.. Magandang may kasama kayo kapag papanuodin nyo ito dahil nakakapraning talaga... Must see sa sinehan.. Yun na!!
Disclaimer: Ang mga pics sa blog na ito ay hindi ko pagmamay-ari at nakuha ko lang sa web.. Keri??
Acknowledgements:
Kay macko na nagmamanage ng blogsite ko, sa KFC at Baliwag Lechon sa aking lapez sa araw na ito at sa mga taong nakaalala at bumati sa bday ko.. Salamat sa inyong lahat..
Pakshet. kaloka ang picture!
ReplyDeleteThank you sa Review.
Di ko carry tong movie na to.
Kwento mo pa lang, scary na =D
Love the first review! Pak n pak! :)
ReplyDeleteIntriga aq..papanoorin namin to ni hubby..hehe
ReplyDeletenabitin ako chicco sa first review! more more to come! :)
ReplyDeleteAng taray may blog ka na!!! Congrats!
ReplyDeletedahil sa review mong ito, mapanood nga... ;)
ReplyDeleteNice review pero parang takot ko na panoorin hahaha
ReplyDeleteGaling! Kahet ayaw q ng horror movies, parang gusto q na din panuorin toh dahil sa blog mo Chicco! Very nice!
ReplyDeleteChicco!!!!! Miss you!
ReplyDeleteMusta na daw sabe ni Tasha and Becca
Snowy