Tuesday, 27 August 2013

#InstantMommy

Genre: Comedy, Drama
MTRCB Rating: PG-13 (Pwede sa mga batang manunuod na may edad 13 pababa basta kasama si pudra or mudra  sa sinehan.)

Chicco's Rating: 7.11/10

Well, let me start by telling you the background of the film. Ang Instant Mommy ay isa sa kalahok sa katatapos lang na Cinemalayà Film Festival na ginanap sa Cultural Center of the Philippines at sa ilang Ayala Cinemas. 



Medyo nahihilig nadin ako sa mga indie films. Kahit minsan eh puro bulaklak or bundok or eskinita ang tinututukan ng camera eh sa mga ganitong uri ng pelikula ka makakakita ng totoong kwento ng buhay... Ilan sa mga pinag-usapan at nakilalang Indie Films ay Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, Kubrador, Bwakaw at Ang Babae sa Septic Tank. Ang mga pelikulang ito ay hindi masyado napansin sa Pilipinas pero nakapagdala ng karangalan sa mga International Film Festival. Ayan tayo eh! 






Ang last na nga na Indie Film na naipalabas sa main stream ay ang Ekstra ni ate V na lumahok din sa Cinemalayà 2013. Eto na nga! Balik tayo sa Instant Mommy. One of the producers ng movie eh si Kris Aquino. Kahit naman ako kasi, sabi ko nga sa sarili ko, kung may pera lang ako eh ipagpoproduce ko talaga ng movie tong si Eugene Domingo na sya ngang bida sa pelikulang ito. Ano nga ba ang nangyari sa movie? Well, this is it!

Story
Kwento ito ni Betchayda, isang wardrobe assistant sa mga TV commercials. Meron syang jowa na hapon na nakabase sa Japan, si Kauru. Napag-alaman ni Betchay na nagbunga ang pagmamahalan nila ng minsan ay bumisita si Kauru sa Pinas. Ang gusto ng hapon eh tumigil na sa pagtatrabaho si Betchay pero dahil siya ang bread winner sa pamilya eh hindi nya ito magawa. Sa stress ng trabaho, very unfortunate naman na nakunan si Betchay. Sa takot na iwanan siya ng jowang hapon, may ginawa syang paraan para maitago ang nangyari at mapanatili ang kanilang relasyon. Ano kaya ang kanyang ginawa? Nakalusot naman kaya sya sa pagtatago nya ng katotohanan? Saan hahantong ang tagpong ito? Malalaman nyo yan simula August 28, dahil showing na ang Instant Mommy nationwide.

Cast:
Ayun na nga! Pinagbibidahan ni Eugene Domingo na alam ng mga malapit saken na fan na fan ako. From her role as Simang sa Sa Dulo ng Walang Hanggan, Lorelie sa Marina, Rowena sa Tanging Ina Series, Kimmy at Dora Go Dong Hei, as herself sa Babae sa Septic Tank, up to her last movie as Fiesta sa Tuhog, nasubaybayan ko talaga yan lalo na ang transformation nya.. Siguro, masyado lang talaga ako naattach at bumilib sa Kimmy Dora kaya medyo nabitin ako sa patawa sa movie na eto. Medyo nalito lang ako siguro kung mas comedy ba dapat ang film o mas drama. On the other hand, effective nya naman nagampanan ang role na Betchayda. Makikita nyo ang difference ng characters nya sa iba pa nyang roles. At yun ang magaling na artista. Hindi lang yung andami ngang movies pero same ang arte.. Diba? Samantala, Kauru was played by the Japanese Hollywood actor Yuki Matsuzaki.. Hindi sya basta-basta. Isa sya sa cast ng Pirates of the Carribean: On Stranger Tide. Feeling ko naman eh hindi sya nahirapan na gampanan ang role nya bilang, well, Japanese.. Nakakaaliw lang kasi game na game sya sa lahat ng guesting nila para sa promotion ng movie. Mahuhusay naman individually ang ibang supporting casts at cameo. Kapatid nya sa movie si Nicco Manalo na bihasa na sa teatro at indi films at junaknak ni Jose Manalo, who would have thought? Samantalang, tatay nya naman si Rico J. Puno na inferness, bagay sila magtatay. Yun na...










All in all, and this is a warning na din, hindi Kimmy Dora levels ang comedy factor ng movie na ito so wag masyado magexpect. Again, magaling si Eugene pero hindi din Septic Tank Levels. Maeenjoy nyo pa din naman dahil kahit simple ang storya eh matino naman ang arte ng mga characters. Kung bet nyo naman itry ang mga Indie Films, good choice ito... There you have it!


Disclaimer:
Ang mga pics sa blogsite na itechiwa ay hindi ko pagmamayari at nakuha ko lang sa web. Karamihan actually ay mismong website ng Cinemalayà... Thanks... (Yes, that's me!)


 Acknowlegements:
Macko
Cinemalayà
Cultural Center of the Philippines
Legaspi Towers 300 for our accommodation


No comments:

Post a Comment