Wednesday, 21 August 2013

Ano ang makikita sa C.IN.E.MO??

Welcome ulet sa C.IN.E.MO (Chicco's Independent Evaluation of Movies).

Anu nga ba ang makikita at lalamanin ng blog na ito? Well, simple lang naman.. Mababasa nyo dito ang aking mga nakita, naramdaman, narinig at minsan ay naamoy tuwing nanonood ako ng movies... 

Ang mga sumusunod ang magiging parte ng C.IN.E.MO:

#MovieTitle - syempre, sisimulan naten lahat sa title ng movie.. May hashtag talaga para madaling makita lalo na ng mga twitter followers...

Genre - Dito makikita kung ano ang tema ng pelikula na nireview ko.. Maaaring Comedy, Horror, Suspense, Thriller, Romance, Drama, Action, Porn (char!), Indie at kung anik-anik pa... Makikita din dito ang ratings ng MTRCB kung ang movie ba ay rated G, PG, R-13, R-16, R-18 at X para malaman kung pde ba kayong magsama ng mga junakis sa sinehan..

Chicco's Rating - we are going to rate the movies sa scale na 1 - 10, 10 being the highest.. Isasaalang-alang naten sa ratings ang ganda ng istorya at galing mga artista at direksyon.. Other factors affecting the ratings are the inflation rate, market price, value of Pi, square root of Sine and Cotangent of 345, and the GNP of the Philippines.. Nakakaloka ang computation diba?? Haha..

Introduction - maikling insights lang tungkol sa movie. Ang kinagandahan ng blog na ito ay super iniiwasan ko ang mga spoilers... Ayaw naten yan siyempre.. Sino ba naman ang gaganahan na manuod pa ng sine kung nabasa mo na namatay pala ang bida sa huli or ang bida pala ay nananagip lang or ang pinakamasaklap eh ang bida pala ay isang Diary. Hahahaha...

Story - dito mababasa ang summary ng movie, as in maikling summary lang ng mga importanteng facts about the movie, usually, kung ano lang ang naitrailer plus mga hanging questions pampasabik. 

Cast - ililista naten ang mga main characters at ang mga artista na nagsipagganap at tumatak dahil sa kanilang angking husay at talento. Personal favorite ko ang mga supporting casts na umangat at nagbigay kulay sa movie.

Chicco's Comments - eto na nga.. Dito makikita ang mga komentaryo ko patungkol sa movie, mga comparisons sa mga dating movies na may kaparehas na storyline at tema, mga puna, reaksyon, suhestiyon, at panlalait kapag feeling ko eh sinayang lang ng pelikula ang oras, pera at panahon ko. Sasabihin ko rin kapag sa pakiwari ko'y dapat talagang panuodin sa sinehan yung movie or hintayin na lang sa Cinema 1, HBO, Star Movies, Sunday's Best at Kapuso Blockbusters..Yun Na!!!

Ang susunod ko na post ay an movie reviews ko na ng #TheConjuring..Abangan!!! Sana, tulad ng dati kong mga posts sa Facebook at Twitter, eh makatulong ako sa inyo mga friends and family members.

  PS: Follow nyo ako sa Twitter please.. @chiccosonofzeus

Hanggang sa muli... Kitakits!!!


No comments:

Post a Comment