Saturday, 24 August 2013

#TheMortalInstruments : City Of Bones

Genre: Action, Adventure, Fantasy, Drama, Thriller (Lahat-lahat na!!!)
MTRCB Rating: PG-13 (Lahat ng batang may edad na 13 years old pababa ay kinakailangang may kasamang thunder bolt kapag pinanuod ang movie na ito!)

Chicco's Rating: 8.0037/10

Usong-uso ang mga movie adaptations ng mga best selling novels... Siyempre nga naman kapag bumenta ang libro eh malamang na madaming manonood kapag ginawa na silang movie.. Para saken, naeexcite ako sa mga ganitong movies especially kapag nabasa ko yung book.. Sa movie kasi maisasabuhay ang dati eh iniimagine ko lang na istura ng mga chracters at setting ng istorya habang nagbabasa.. Ilan sa mga patok na movies na may ganitong tema ay ang personal all-time favorite kong Harry Potter series, ang controversial na Twilight Saga, ang unli-special effects na Lord of the Rings Trilogy, ang mga pasweet na Chick Flicks na A Walk to Remember, Message in a Bottle, The Notebook at iba pang kakaiyak at kakainlove na novels ni Nicholas Sparks, at ang huli nga eh ang tumabo sa takilya na Bakit Di Ka Crush ng Crush Mo??? Wow!! Ang taray ng levelling!!! 







Eto na nga!!! May isa na namang movie adaptation ang kamakailan eh nagshowing na.. Ang Mortal Instruments: City of Bones...

Story:
Ang setting ng movie na ito ay sa New York City.. Umiikot ang kwento kay Clary, isang pangkaraniwang teenager na nakasaksi ng patayan sa isang club. Ang ipinagtataka nya eh parang siya lang ang nakakita ng krimen. Hanggang sa binulabog na nga sya ng sunod-sunod na pangyayari na may kinalaman sa kanyang tunay na pagkatao. Umuwi sya sa kanilang bahay at na
nalaman na ang kanyang mother dear ay kinuha ng masasamang loob. Matutuklasan nyang siya pala, kaparis ng kanyang ina, ay isang Shadowhunter, mga half na angel at half na tao na nagpoprotekta sa sambayanan laban sa mga puwersa ng kasamahan.. Taray diba? Anlakas makaNational Heroes Day! Tutulungan naman sya ni Jace, isa ring shadowhunter, at hindi nya nga naiwasan na mafall sa binata... Wow, mafall!!! Ayun na nga! Baket nga ba nakidnap ang kanyang ina? Anu ang nakita nya sa club at baket sya lang ang nakakita ng patayan? Ano ang Mortal Instrument at ano ang kinalaman neto sa storya? Baket tattooan ang mga bida?? Well, ayan ang malalaman nyo kapag napanuod nyo ang movie...



Cast:
Pinagbibidahan nina Lily Collins as Clary na gumanap na Snow White sa movie na Mirror Mirror at ni Jamie Bower bilang Jace, gumanap na batang Grindelwald sa Harry Potter And the Deathly Hallows Part 1 at bilang Caius na member ng Volturi sa Twilight Saga. Anlakas lang makaDaniel Padilla nung aura ni Jamie Bower.. Yung sa simula eh kala mo pangit at payat pero habang tumatagal eh kinukurot na ang puso mo. Si ate Lily naman eh tatlong kilo pa din kilay sa movie na ito.. Malaking break talaga sa kanilang dalawa 'to dahil as of the moment, Who The Hell artists pa din sila. Sana nga sumikat sila sa movie na'to at masundan ng kasunod. Syempre, madami pang casts pero hindi ko sila kaclose lahat kaya keber na! Huwag ng pagtuunan ng pansin.. 



Ayun na nga! Medyo nakakapressure din siguro sa casts and makers ng Mortal Instruments dahil ang sinundan nilang film na may kaparehas na tema ay ang Percy Jackson: Sea of Monsters na infernes naman eh tinangkilik ng mga fans. Tulad nga ng sinabi ko, ang kritikal sa mga ganitong movies eh yung characterization at production design. Kapag malayo ang naimagine ng mga nakapagbasa dun sa nasa movie eh epic fail na. Honestly, sinimulan ko basahin yung book pero nabore ako hanggang sa naipalabas na nga yung movie. Bilang romantic movie naman, hindi ako kinilig sa mga bida. Hindi solid ang chemistry. Patungkol naman sa production value, maganda naman yung film pero dahil naitodo na ng Harry Potter at Lord of The Rings ang mga effects eh naging puchu-puchu etong movie. Sa story wise, promising naman sya. Kung fan kayo ng Twilight, Harry Potter, Vampire Diaries and the likes, eh maeenjoy nyo 'to dahil inincorporate na nila lahat dito sa film na ito. Todo na!

All in all, kung fan ka nung book eh tiyak na hindi mo ito dapat palampasin. As a movie alone, tolerable naman sya at feeling ko eh hindi na din sayang sa pera. Maganda sya pero sabi nga madalas ni Randy Jacson sa American Idol, "I am not jumping up and down!" Pak! Yun na!


Disclaimer: 
Hulaan nyo?
Tama! Ang mga pictures sa blogsite na ito ay hindi ko pagmamay-ari at nakuha ko lang sa web. Thanks Spiderman.

Acknowledgements:
Macko
Cash and Carry Cinemas
Baliwag Lechon
Makati Medical Center
Auxbeat Dance Company, for including C.IN.E.MO on the landing page of the Auxbeat Website

1 comment:

  1. Natawa ako sa rating mo... Pano mo na-compute yan? Hehehe.

    ReplyDelete