Genre: Action, Comedy
MTRCB Rating: PG-13 (Lahat ng batang may edad na 13 years old pababa ay kinakailangang may kasamang thunder bolt kapag pinanuod ang movie na ito!)
Chicco's Rating: 5.54/10
Isa sa favorite part ko kapag nanonood sa sinehan eh ang mga trailers.. Syempre nga naman, sa trailers malalaman kung anu ang mga upcoming movies ang mga dapat abangan. Recently lang, while waiting sa movie na papanuodin namen, nagulat ako at biglang naitrailer etong Ang Huling Henya kahilera ng mga Holloywood films.. Dahil na rin sa ang bida eh si Ruffa Mae Quinto eh talagang tinutukan ko ang trailer at hindi naman ako nabigo... Sobrang natawa ako!! Nagbalik sa aking ala-ala ang mga pelikula nya dati na Booba at Masikip sa Dibdib na in all fairness talaga eh dalawa sa pabirito kong local comedy films na walang sense masyado ang story pero nakakatawa. Dahil dito, naexcite ako lalo sa Ang Huling Henya, especially na noong Bday ko pa 8/21, ang showing date...
At eto na nga, pinanuod na namen at isa lang ang nasabe namen lahat after ng movie, "ANYARE????!!!!????"
Story:
(Honestly, hindi ko naintindihan... LOL!! Pero parang...) Kwento ito ni Miri, isang henyang special agent na may malungkot na nakaraan.. Anak sya ng mga scientist na nakaimbento ng isang machine na nakakakuha ng memory ng isang tao at maaari namang iupload sa utak ng iba pang living organisms.. (Ayun ata yun or something to that effect, haha!) Tinangka ng isang grupo na tinatawag nilang "Agency" na nakawin ang imbensyon at gamitin sa masama.. Habang nasa liblib na camp site sila ay inatake sila ng mga miyembro ng Agency at nagkaron ng engkwentro at sumabog ang van kung saan na dun ang magasawa... Naulila si Miri at ang kanyang kapatid at lumaki na nga sya na sinusubukang tugisin ang Agency.. Basta dun umikot ang story...
Cast:
Ayun na nga! Pinagbibidahan ni Ruffa Mae Quinto as Miri.. Hindi ko alam kung anu ang nangyari sa kanya.. Kulang na kulang ang patawa nya.. May mga banat sya as normal na Ruffa Mae kaya nakakatawa pero biglang balik sa serious na henya-henyahan.. Hindi talaga effective.. Sayang.. Pati mismo sya siguro eh hindi naiintindihan ang istorya kaya ganun sya.. Nakakaloka... Samantala, isa ito sa mga pelikula na pwedeng entry sa Best in Cameo Awards.. Kasi ba naman nasa movie sina Solenn, John Lapuz, IZ Mendoza, Diego, Babaji at Moymoy Palaboy ng Bubble Gang, Marvin Agustin, at ang mga totoong henyo na sina Shaira Luna, Jessica Zafra at Miriam Defensor Santiago (kunwari!) at madami pang iba.. Pero again, sayang lang.. Nakaapekto kasi ang Indie Film na vibe ng pelikula.. Actually, ndi ako sure kung indie film nga sya pero ang dilim talaga nung movie... On the lighter side, nagalingan naman ako sa mga supporting casts.. Mas nakakatawa pa si Candy Pangilinan kesa sa bida... Akting na akting naman sina Ricci Chan at Ayen Laurel sa kani-kanilang eksena.. Ang galing nila bilang teatro ang background nila pero again nasayang lang ulet... Nga pala, ang subtitle ng movie na ito ay, Ang Zombie Movie na may Puso. So may mga zombies sya pero feeling ko eh walang konek sa story.. Nakakapoot... Hahahhaha...
All in all, high hopes sa simula, bored habang pinapanuod at nalungkot lang ako after ng movie.. This movie is directed by Marlon Rivera na sya ring nagdirect ng Babae sa Septic Tank.. kaya lalong nakakadisappoint... Wait nyo na lang ang TV premier neto.. Baka mga next month palabas na.. Hahahah... Next!!!!!!
Disclaimer:
Ang mga pictures sa blogsite na ito at hindi ko pagmamay-ari at nakuha ko lang sa web... Lalo naman tong isang 'to!!!
Acknowledgements:
[24]7 Inc. for my new Samsung Galaxy S4
Macko, Alex and Law
Yabu, The House of Katsu
Uniqlo
Agree ako.gusto kong idemanda para ibalik ang 210 pesos ko at ang dalawang oras ng buhay ko.huhuhu!
ReplyDelete