MTRCB: Rated G (Pwede sa lahat ng manunood!)
Chicco's Rating: 8.78/10
Bukod sa mga horror films, paborito kong panuodin ang mga Computer Animated movies... Ilan sa mga bet na bet at walang sawa kong pinapanuod ko ay ang The Incredibles, Finding Nemo, at syempre ang Toy Story Trilogy na talaga nga namang bentang-benta mapabata man o matanda. Ang kinagandahan ng mga ganitong klaseng pelikula ay ang mga tema at mga kakaibang mundo na ginagalawan ng mga bida. Bukod sa pinagkakagastusan ang mga ito, ginugugulan din ng maraming taon ang paggawa ng mga Computer Animated Films. Isa sa mga bihasa sa paggawa ng mga ganitong pelikula ay ang Pixar na siyang gumawa sa mga pelikulang aking nabanggit. Samantalang ang pinakamalaking production company naman ay ang Walt Disney na siya ding gumawa ng movie na ating irereview... Eto na nga! Ang Planes!
Story:
Sa title pa lang eh alam nyo na siguro kung sino ang mga bida sa movie na ito? Tama! Mga iba't ibang uri ng eroplano. Ang pangunahing character ay si Dusty Crophopper, isang pangkaraniwang eroplano na tagasaboy ng parang pataba sa isang corn field.
Pangarap ni Dusty na maging isang racer at sumali sa isang race na nilalahukan ng mga high-end at sosyal na racer planes from around the globe.. Ang matinding problema: si Dusty ay acrophobic.. Yes! Takot sya sa heights.. Nakakaloka diba? Eroplanong may fear of heights.. Panu nga ba sya makakasali sa race? Sinu-sinu ang mga tutulong sa kanya para makamit nya ang kanyang pangarap? Ano ang mga kakaharaping nyang unos at paghihirap para makuha ang kanyang mithi? Baket parang Linggo ng Wika??? Yan ang matutuklasan nyo kapag nanuod kayo ng ng movie.
Cast:
Wala akong kilala sa mga nagboses. Isa pa, ano naman ang pakialam naten sa kanila? Basta nabigyan nila ng buhay ang mga characters eh ok na yun... Diba?
Ayun na nga. Nagenjoy naman ako sa movie. Feel good movie sya kung baga. Hindi ka na kailangang mag-isip masyado habang nanunood ka. Syempre, ang target audience ay mga bata. Sigurado naman akong matutuwa sila dahil makulay ang mga characters, nakakatawa at makukulit.
Hindi man sya katulad ng Toy Story at Finding Nemo na may kurot sa puso, sa bandang huli ay may aral ding mapupulot. Memorable sakin ang isang line ni Dusty. Sabi nya, "Maybe, just maybe, I can do other great things aside from what I am built for!" Paaaaaaaak!!! Tama din eh no?!? Haha.
All in all, maganda tong pangbonding ng family.. Kung plano nyong ilabas ang pamilya nyo, yaman din lamang na umalis na si Bagyong Maring, eh sakto ang movie na ito. Simple lang ang story kaya maiintindihan ng mga bata at may comedic relief din naman kaya ok din sa mga matatanda.. GV GV lang, ika nga! Yun na!
Disclaimer ulet: Ang mga pictures sa blog na ito ay hindi ko pagmamay-ari at nakuha ko lang sa web.. Maliban dun sa last pic na may poging lalaking nakathumbs-up... Keri?
Acknowledgements:
Macko
Kenny Rogers Roasters
Power Plant Cinemas
Payless Shoesource
Achi Ichiban
Julia Baretto, Judda Paulo at Erwan Heusaff na nakasalubong ko
At kay Lystra Monica Gilhang, a college friend na nakasalubong ko din
No comments:
Post a Comment