MTRCB Rating: R-16 (Ang pwede lang manood ng pelikulang ito ay ang may edad na 16 pataas. Wag nang makulit please!)
Chicco's Rating: 9.896/10
Action! Well, this is my least favorite genre except yung mga gawang Hollywood. Napansin nyo din ba na tumamlay na ang ating mga Pinoy action Films? Dati sikat na sikat pa sina Jeric Raval, Victor Neri, Ronnie Ricketts at ang Diaz Clan na sina Joko, Pacquito at Romy sa paggawa ng action films.
1. Kapag ang mga goons binabaril ang bida, hindi tumatama. Kapag ang bida ang bumaril, may patay agad.
2. Nauubusan lagi ng bala ang baril ng bida. Pero for sure may mapupulot syang baril na unlimited ang bala. Kaloka!
3. Description ng leader sa kanyang mga goons kapag hindi nahuli ang bida, "MGA INUTIL!!!" Hahahahhahahah!!!
4. Laging mag-uusap ng pasigaw ang bida at kontrabida habang nagtatago sa isa't isa at nakasandal sa pader.
5. Ang classic na napatay na lahat ng goons, nailigtas na ang nakidnap, inaakay na ng leading lady ang bida, sabay dadating ang kapulisan. Para san? Well, kailangan silang lumabas bago ang end credits... Hahahhahahha... At marami pang iba! (Comment nyo kapag may naisip pa kayo.)
Ngayon, having said all that, baket antaas ng rating ko sa pelikulang ito? Well eto nga!
Story:
Ang movie ay umikot sa buhay ng 4 na lalaki: sina Tatang, isang inmate na kinokontrata ng mga politiko at military men na pumatay ng mga tao sa labas ng kulungan; si Daniel, kakosa, back up at sinasanay ni Tatang na pumalit sa kanya; si Francis, isang NBI agent na manugang ng isang politiko na may kinalaman sa paghahire kila Tatang; at si SPO1 Acosta, isang righteous na pulis na sinusubukan iresolve ang kaso patungkol sa mga nagaganap ng patayan. Dito pa lang ay makikita na naten pagkakatahi-tahi at pagkakakonekta ng kanilang mga buhay. Ano nga ba ang dahilan nina Tatang at Daniel sa kanilang ginagawa? Panu nila nagagawa ang kanilang trabaho habang nasa kulungan sila? Ano ang ginawa ni Francis para itama ang maling ginagawa ng kanyang Father-in-law? Mareresolve kaya ni Acosta ang mga krimen? Ayan na nga ang dapat na abangan sa movie na ito. Showing na sya kahapon August 28 sa inyong mga suking sinehan.
Cast:
Pinagbibidahan nila Piolo Pascual, Gerald Anderson, Joey Marquez at Joel Torre. Well, ano pa nga ba ineexpect naten kay Joel Torre kundi perfection? Feeling ko nga eh paglabas nya pa lang sa mundo eh umaarte na sya. Actually as a baby, ndi talaga sya umiyak paglabas nya sa sinapupunan, umarte lang sya na umiiyak. Ganun sya kagaling. Lalo na ang maang-maangan acting nya dito sa movie. Very Remarkable. Si Joey Marquez naman, akala ko eh magpapatawa lang para balanse ang movie pero hindi. Lumaban talaga sya sa aktingan at napakaeffective nya as pulis. Samantala, si Gerald naman ay dati na akong napabilib sa ng kanyang acting skills. From Tayong Dalawa pa lang sa TV at Budoy eh makikita na ang pagkakaiba ng kanyang characters. At dito sa movie, mukha at asal syang preso talaga. One more thing, mananawa kayo sa kanya sa "P*t#ng$na!!!" Parang hobby na nya ang pagmumura. Hahahhaha. Siyempre, si Papa P. naman eh subok na sa mga ganitong aktingan. Kapani-paniwala sya as a Policeman. Isa sya sa Philippine Industry na may depth ang arte, yung alam mo na alam nya kung ano yung role na ginagampanan nya. Ganun! Walang daya ang arte. Winner. Sa kabilang dako, at nasabi ko na dati, na sayang-saya ako lagi kapag may mga supporting cast na agaw eksena. To name a few, si Rossana Roces na wala pa atang 5 minutes ang role pero akting na akting at nakakaaliw, si Shaina na may daring na love scene, ang baguhang si Dawn Jimenez na partner ni Gerald na tinodo agad... Kala ko pasweet pero boom, breast exposure agad... Very raw ang akting kaya may future ang batang yan, si JM De Guzman naman as anak ni Joey Marquez na sana eh mahaba ang exposure, si Angel Aquino at Empress na effective ang support sa role as kapamilya ni Tatang, at ang mga batikan na sa industriya tulad ni Leo Martinez, Michael De Mesa at William Martinez, Winner lahat. Walang maliit na role sa artistang magaling umarte talaga. Yun lang.
Eto nga! Good job kay Erik Matti na director ng movie na ito. Maganda ang pagkakagawa kahit karamihan sa shots eh parang Indie film, madilim. Pero nakatulong nga ito para mas maging makatotohanan ang mga shots. Nagsimula na nga na gumawa ng pangalan sa foreign film festivals ang movie na ito. Isa na nga jan ang Cannes. Taray.. Pangmayaman. May balak din na kunin ang story at iremake sa US sa pangunguna ni Matt Damon.. Oh taray ulet! Masasabi kong maganda ang movie dahil hindi tipikal na action film. Wala yung mga clichès na sinabi ko sa taas. Matapang ang story at first time ko lang mapanuod ang ganitong paksa sa movie. At the end ng movie, nagpalakpakan ang mga tao na hindi madalas mangyari sa isang Ayala Cinema. Yun lang...
All in all, masasabi ko na Must see ang movie na ito. Siguradong maeenjoy nila tatay, tito, kuya, Mang Boy at Mang Raul. Para naman sa gusto ng makabuluhan na movie, for sure, maeenjoy nyo din to.. Salamat sa Star Cinema at nakakapagpalabas pa ng mga ganitong movies na may sense. Very good tayo jan.. Yun na!
Disclaimer:
Ang mga litrato sa blogsite na ito ay hindi ko pagmamay-ari at nakuha ko lang sa web. Alangan naman na may picture talaga ako ni Jeric Raval diba? Pwede ba... Hahahahha...
Acknowledgements:
Wingmen Unite
Team Halo especially kay Jhen at Albina
KFC
Sparklingtots
Macko and Alex
Taters