MTRCB Rating: PG-13 (Pwede panuodin sa sinehan ng mga may edad na 13 years old pababa basta may kasamang thunder bolt (adult)!)
Chicco's Rating: 7 1/2 /10 (Parang size lang ng sapatos!)
Pagkatapos ng pabulosang On The Job, balik naman tayo sa Hollywood films. Tulad ng sinabi ko dati, hindi ako talaga fan ng action movies pero kapag gawang ibang bansa eh nakukuha ang attention ko at pinapanuod ko na din. Baket? Kasi may sense, may kakaibang story at may pag-aaksaya ng budget... May mga napanuod ako na nagpapasabog pa talaga ng mamahaling kotse, eroplano, train, at kung anik-anik pang pwedeng pasabugin para lang maging makatotohanan ang mga scenes. Bukod dun, parang hindi sila nauubusan ng bagong kwento. Although karamihan ay tungkol sa politics eh naipapakita pa din ang pagkakaiba sa visual effects. Last nga na pinalabas na may halos magkaparehas na tema at story eh ang Olympus Has Fallen ni Gerard Butler at White House Down ni Channing Tatum. Parehas kumita kahit title pa lang eh pareho na ang ibig sabihin...
Personal favorite ko naman ang mga action fims tulad ng Salt ni ate Angelina Jolie at Kill Bill ni ninang Uma Thurman dahil mas nakakabilib kapag babae ang gumagawa ng mga action scenes. Top picks din for me ang Taken 1 at 2 sa ganda naman ng story at uber na suspense habang pinapanuod mo.
So eto na nga! Ang Elysium na nagshowing na dito sa Pinas kahapon, September 4, sa inyong mga suking sinehan. Anu nga ba ang masasabi ko sa movie na ito? This is it!
Story:
Ang pelikula ay naganap sa taong 2154 na kung saan nahahati na ang pamumuhay ng mga tao depende sa antas ng pamumuhay. Ang mga mayayaman at nakakaangat ng very very hard sa buhay ay nakatira sa Elysium, isang fictional na space station sa ating kalawakan na may sarili nang gobyerno. Bongga ang mga tao dito dahil may sari-sarili na silang Med-bays, o isang machine na nagpapagaling sa kanila sa lahat ng uri ng sakit, at ginagamit din sa advance na cosmetic surgery. May mga alalay din na mga robot ang mga rich people sa sosyal na habitat na ito.
Sa kabilang dako, ang mga purita mirasol (poor) ay naiwan na sa over-populated na Earth.. Imagine nyo ang Earth na puro squatters lang ang nakatira, ganern ang itsura! Ang mga pulis ay mga androids na mababagsik. Walang pribilehiyo ang mga tao sa mabilis na lunas sa kanilang mga sakit kaya naman pangarap ng bawat isa ng makapunta sa Elysium.
Samantala, ang bida sa ating story ay si Max, isang dating preso na nakulong dahil sa pagnanakaw ng mga kotse ngunit nabigyan naman ng parole dahil siguro good boy sya sa looban. Nagtatarbaho na sya sa pagawaan ng mga robots, at mga sandata na ginagamit sa Elysium. Bata pa lang sya ay pangarap na nya talaga na makapunta sa Elysium. Isang araw, habang siya ay nagtatarbaho, may aksidenteng naganap na siya namang dahilan kung baket nya kinakailangan na makapunta agad-agad sa Elysium. Ayun na nga! Anu ang nangyari kay Max? Makakapunta kaya sya ng Elysium? Baket may bakal-bakal sya sa katawan? Robot ba sya o tao? Gatas o Choco?? Yan ang malalaman kapag pinanuod nyo ang movie na ito...
Cast:
Pinangungunahan ng Academy Award winner na si Matt Damon as Max. Well actually, nanalo sya as a scriptwriter at hindi bilang artista. Pero choosy pa ba tayo? Andami na nyang box office na mga pelikula kasama na jan ang Bourne Trilogy. Sa kanyang pagganap as Max, eh mahusay naman nyang naitawid ang role. Kitang kita na pinaghandaan nya ang movie na 'to lalo na sa itsura nya para magmukhang bortang (muscular) ex-convict. Kasama niya dito ang hindi matatawarang aktres na si Jodie Foster. Well, si Jodie lang naman ay two-time Oscar winner so alam na! Effective siya sa role nya sa movie na ito bilang Secretary of Defense ng Elysium. Tamang-tama ang balanse ng pagiging matapang at pagiging sosyal bilang siya main na kontrabida sa movie. Yung ibang cast, hindi sikat.. Parang yung karamihan ng artista sa Channel __! (Fill in the blanks!) Hhahahhaha..
So ayun na nga! Parang ang ganda ng movie diba? Pero baket hindi kataasan ang rating ko. Well, let me explain... Promising ang story na tumatalakay sa kasalukuyang nangyayari sa mundo, ang pagkakaiba ng social classes, mahirap at mayaman. Maayos na naipakita ang itsura ng earth pero ang Elysium, bitin.. Parang hindi masyadong mayayaman ang nakatira. Parang yung iba, may kaya lang.. Mas bumilib pa ako sa kung papaano napakita ang estado ng buhay sa Hunger Games, yung mga nasa Districts at nasa Capitol. Ganun.. Maganda naman ang visual effects kahit na may pagkakatulad sa naunang pelikula nung director na District 9. Honestly, may mga parts na nakaidlip ako ng very very light. At partida, sa action scenes pa.. Pasensya naman.. May mga pelikula na kahit pagod ako habang pinapanuod ko eh nakukuha ang interest ko pero dito hindi masyado. Yun lang..
All-in-all, hindi na din lugi sa binayad kasi mostly naman ng movie ay visually entertaining. May mga movies na masarap na ulitin sa sinehan at hindi ito nabibilang sa mga movies na yun. Isang panuodan lang, gets mo na lahat. Kung bet nyo talaga ang action films, mas keri ang OTJ na showing pa naman. Kung mas gusto nyo naman ang more visual effects more fun, eh tiyak perfect ito sainyo. Ayun siya guys! Tapos!
Disclaimer:
Ang mga pictures sa blogsite na ito ay hindi ko pagmamay-ari at nakuha ko lang sa web. Promise, ibabalik ko kung saan ko nakuha! Pahiram lang sandali.
Acknowledgements:
Macko
Bliss Housemates Alex, Eric and Denz
Glorietta 4 Food Choices
Manang's Chicken
Ang galing mo talaga Choco! Este, Chico
ReplyDeleteMukhang interesting pa rin naman plot. Just watched Insidious Chao0pter 2. Highly recommended!
ReplyDeleteMukhang interesting pa rin naman plot. Just watched Insidious Chao0pter 2. Highly recommended!
ReplyDelete