Thursday, 19 September 2013

#MomZillas

Genre: Comedy, Family Drama
MTRCB Rating: G (Pwede sa lahat ng manonood, jugets man o thunderbolts!)
 
Chicco's Rating: 8.44/10
 
Well, well, well, nagbabalik ang #CINEMO. Pasensya naman at medyo tumamlay ang mumunting blog na ito dahil na din wala masyadong magagandang pelikula kamakailan. Ngunit, subalit, datapwat, nung Wednesday eh palitan na naman ng mga pelikula at nagsabay-sabay naman ang mga pelikulang may K (as in KWENTA) para pagtuonan ng pansin at panuodin sa sinehan. Well, eto na nga at simulan naten sa MomZillas.
 
Wait lang! Pagtuunan muna natin pala ng pansin ang Direktor ng movie na ito na si Direk Wenn Deramas. Isa siya sa mga tinuturing na Box-Office directors ng Pilipinas na nagconcentrate sa mga GV GV (Good Vibes) lang na mga pelikula. Well, FYI, 4 out of the Top 10 Highest Grossing Filipino Films of All Time eh prinoduce ng Star Cinema at Viva Films at gawa ni Direk Wenn: Sisterakas, Praybeyt Benjamin, This Guy's In Love With You Mare and Ang Tanging Ina N'yong Lahat. Kung susumahin lahat ng kinita ng apat na films na ito ay lalagpas sa P1B o 1/10 ng pinagtatalunang Pork Barrel Funds Scam (maisingit lang kahit walang konek!)





Naging fan na din ako ni Direk Wenn dahil na din karamihan sa mga comedy films nya eh pumatok talaga saken. Yung mga ginagawa nyang pelikula yung masarap panuodin after ng trabaho kapag gusto mo lang na tumawa at kalimutan ang stress na dala ng araw-araw na gawain. Wow! Dahil jan, medyo kabisado ko na ang formula niya kapag gumagawa sya ng movie. Kung mahilig din kayo sa mga movies nya, mapapansin nyo din siguro ang mga sumusunod na sangkap para sigurado na SURE HIT ang pelikula:
 
1. Hindi mawawala si DJ Durano, mawala na ang bida, wag lang si DJ Durano


2. Karaniwang pinagbibidahan ni Ai-Ai Delas Alas, Vice Ganda, at Eugene Domingo, kapag sila ang bida, SULIT!!!
3. Laging may eksena sa loob ng simbahan, maaaring may binyag, patay, misa or most of the time eh magtatapos ang movie sa kasalan ng mga bida
4. Sumesentro ang kuwento sa family problems, acceptance sa society at syempre sa LOVE, may part palagi sa movie na may confrontation at dramatic scenes sa bandang huli
5. May bloopers kadalasan sa end credits
6. Hindi mawawala si DJ Durano (nasabi ko na pala to!! Haha!!)


 
Going back, eto na nga ang MomZillas na palabas na ngayon in more than 100 cinemas.
 
Story:
Magsisimula ang movie sa pagpaplano ng kasal nina Rina at Elwood. Ang problema ay hindi pa nila napapaalam sa kanilang mga mothers na sina Clara at Minerva ang nalalapit nilang kasal. Si Clara ay isang single mom na nagtaguyod kay Elwood samantalang si Minerva naman ay hiwalay sa asawa at kinailangang iwan ang anak na si Rina para magtrabaho sa London. Dumating na nga ang araw ng pamamanhikan at dito na nagtagpo ang pamilya nila Rina at Elwood. Para maging close ang dalawang ina, nagset ng get-together sa isang yate sina Elwood sa kalagitnaan ng isang delubyo-ish na bagyo. Sa kasamaang palad ay tinangay ng alon at lumubog ang yate. Sa kabutihang palad naman ay nakaligtas ang lahat ngunit napadpad sina Clara at Minerva sa pampang ng isang isla kung saan kinakailangan nilang magtulungan para makasurvive.. Baket nga ba hindi nila bet ang isa't-isa? Magkakayos kaya sila at makakaalis ng isla? Matutuloy kaya ang kasal ng kanilang mga anak? Yan at marami pang tanong ang masasagot kapag pinanuod nyo ang movie na ito.


Cast:
Pinagbibidahan nila Ms. Maricel Soriano as Clara and Ms. Eugene Domingo as Minerva. Let me just say na ang pres pres ni Maricel sa movie at parang mas bumata ang itsura nya. Matagal na din since last na gumawa sya ng movie kaya magandang comeback ang pelikulang ito ng Star Cinema at naipromote ng maayos.. Bukod sa drama eh sanay naman sa comedy tong si Marya kaya hindi naman sya nagpahuli kay Eugene. Speaking of Uge, isa na namang powerful na performance ang ipinakita nya dito.. Kahit comedy eh TV Patrol acting ang ginamit nyang atake kaya naman nakakatawa. Napagod ako sa kanya sa movie... More more sigaw with matching British accent.. Samantala, very tame naman ang performance nila Andi Eigenman at Billy Crawford. Actually, wala masyadong nakakatawang part ang nanggaling sa kanila. Hindi rin naman ganung kabongga ang dramatic parts. In other words, mini-mini lang ang ganap nila sa movie.. Hindi rin sila bagy na magjowa.. Para silang magkapatid... Favorite ko naman ang mga performance ng support cast na sina Candy Pangilinan at Joey Paras... Mga 2/6 ng movie eh sa kanila nanggaling ang mga tawa ko.. Ayun lang!!




Well, naging maganda naman ang kinalabasan ng movie.. May chemistry naman kasi talaga si Marya at Uge tulad ng naipakita nila sa movie na Bahay Kubo. Antaray lang ni Uge dahil ngayon ay kalevel na nya si Marya. Sa kabilang dako, i am looking forward na magkaroon ng ibang atake si Direk Wenn sa mga susunod nyang movie.. Bagong storya, bagong mga cast at magexperiment din ng mga tambalan.. Ayun lang.. (Nga pala!! Isang himala, wala si DJ Durano sa movie na ito.. Ano kaya ang nangyari sa kanila ni Direk.. Hmmmmmm!)

All in all, must see ang pelikulang ito lalo na ngayong weekend.. Pampamilya, pambarkadahan, panlahatan na!! Go!! Push!!


 Disclaimer:
Ang mga pics sa blog na ito ay hindi ko pagmamay-ari ang nakuha ko lang sa web.. Pahiram lang please!!

Acknowledgements:
Macko, Alex and Jhen
Glorietta 4 Cinemas
Burger King
Smokey's Hotdogs

2 comments:

  1. Natuwa ako sa part na ito.. "Kung susumahin lahat ng kinita ng apat na films na ito ay lalagpas sa P1B o 1/10 ng pinagtatalunang Pork Barrel Funds Scam (maisingit lang kahit walang konek!)"
    talagang nagresearch at nagcompute pa..

    Good job..
    sana malathala itong blog mo sa dyaryo.. :)

    ReplyDelete
  2. haha! angganda talaga ng reviews mo! papanoorin ko to sa weekend!

    ReplyDelete