Friday, 20 September 2013

#InsidiousChapter2

Genre: Suspense, Horror, Thriller, Nakakaloka!!!!
MTRCB Rating: R13 (Ang pwede lang manuod sa sine ay ang may edad na 13 yrs. old pataas.. Kung ako ang tatanungin, hindi keri ng mga bata ang movie na ito.. Nakakaloka!!!)

Chicco's Rating: 9.98/10

Nasabi ko na ata dati na sobra akong matatakutin pero sobra ko ding hilig sa mga horror films.. Parang tanga lang diba?? Yung after kong manuod eh mapaparanoid ako tapos magiimagine ng mga bagay-bagay tapos mahihirapang matulog. Yan ang dala sa akin ng isang magandang Horror Films.. Alam namen naten na ang pinakamagagaling gumawa ng Horror films eh ang Japan, Thailand at US. Ilan sa mga all time favorite kong mga horror films ay ang Coming Soon, The Grudge at ang Paranormal Activity series except sa huling part na ang chaka na ng pagkakagawa. Kung may time kayo, try nyo yung Coming Soon, talagang warla ang movie na yan..




Eto na nga! Isang horror film na naman ang talaga nga namang kumatok sa puso ko ng bongga at hindi pinatahimik ang katawang lupa ko. Ang Insidious. Ang Chapter 1 ay ipinalabas noong April 2011. Ayon sa aking research, halos $1.5M lang ang budget ng naturang pelikula ngunit tumabo sila sa takilya ng halos $100M sa kanilang worldwide release.. Taray!! Tubong lugaw diba? Well, deserve naman dahil simple ang atake ng movie sa pananakot pero nakakakilabot talaga. Dahil na nga sa pumatok ang unang movie eh nasundan nga ito ng isa pang Chapter. Yaman din lamang na malaki ang kinalaman ng naunang movie eh minabuti ko na ipaalam sa inyo ang buod ng Chapter 1 para mas mafeel nyo ang pangalawang movie. Recollection na din ito sa mga taong nakapanuod na nung first movie. So eto na nga:

Umikot ang storya sa pamilya ni Josh at Renai Lambert na bagong lipat sa isang bahay kasama ang tatlo nilang anak, dalawang batang lalaki at isang baby girl. Si Dalton, panganay nilang anak, ay nakatulog isang gabi at hindi na nagising. Isinugod sya sa ospital at sinabi lang ng doktor na siya ay nacomatose. Iniuwi na lamang siya sa kanilang bahay nila Josh at Renai. Nagsimula na nga ang mga nakapanghihilakbot na pangayayari sa kanilang bahay. May demonyo , may mga multo at mga iba pang elemento ang gustong pumasok sa katawan ni Dalton. Humingi ng tulong ang lola ng mga bata na si Lorraine sa kanyang kaibigang si Elise na may alam patungkol sa mga paranormal activities. Sabi ni Elise na may kakayahan si Dalton na magastral project o maglakbay ang kaluluwa neto habang siya ay tulog at feeling nya na malayo na ang narating ni Dalton kaya nahihirapan na syang makabalik. Maaari daw na napadpad si Dalton sa "the Further" kung saan naglipana ang mga kaluluwa ng mga yumao na naguunahang makakuha ng katawan para makabalik sila na buhay. Eto na nga ang gusto ng mga elemento, ang gamitin ang katawan ni Dalton para makabalik. Samantala, naikuwento naman ni Lorraine at Elise na si Josh din ay may kakayahang magastral project. Pumayag si Josh na sumailalim sa isang trance para makatulog sya ang hanapin ang kaluluwa ng anak. Nahanap nya naman si Dalton na nakakadena sa isang room na binabantayan ng isang demonyo. Nakatakas sila at nakabalik sa kanilang katawan. Habang kinakausap ni Elise si Josh para tanungin sa mga nangyari, nakunan nya ng litrato si Josh at nagulat sa kanyang nakita. Agad naman siyang pinatay ni Josh. Nagtapos ang movie na nagiimply na hindi si Josh ang nakabalik kundi ang isang babaeng nakablack na wedding gown na simula bata pa lang si Josh eh gusto ng makuha ang kanyang katawan.. Ayun na nga!!! 





Ngayong alam nyo na ang background ng movie, eh mas maiintindihan nyo na kapag pinanuod nyo ang Chapter 2. Eto na nga ang masasabi ko sa movie na showing na sa inyong mga suking sinehan. BABALA: Nakakaloka!!!

Story:
Nagsimula ang movie sa taong 1986 kung saan nanghingi ng tulong si Lorraine Lambert sa mga kaibigan nitong mga paranormal experts na sina Carl at Elise para tulungan ang kanyang anak na si Josh dahil siya ay ginagambala ng isang espiritu ng babaeng nakablack na Bridal Gown na laging nakasunod kay Josh sa mga litrato. Minabuti ng grupo na isupress ang memory ni Josh at makalimutan na nya na magastral project. Samantala, sa kasaluluyang, eh iniimbistigahan pa rin ang pagkamatay ni Elise na ibinibintang kay Josh. Lumipat na ng bahay ang mga Lambert ngunit tuloy pa din ang mga nakakakilabot na pangyayari. Minabuti ni Lorraine na humingi muli ng tulong kay Carl at sa dating mga assistant ni Elise para isolve ang mga bagay-bagay na nangyayari sa mga Lambert. Ano nga kaya ang gumugulo ulit sa mga Lamberts? Nakakapaglakbay pa din kaya ang mga kaluluwa nila Dalton at Josh? Sino ang Black Bride at ano ang pakay nya sa pamilya? Saan hahantong ang tagpong ito?? Minahal kita pero ako'y ginago mo!! (Stupid Love!!!) Yan at marami pang mga bagay ang maliliwanagan kayo kapag pinanuod nyo ang, again, nakakalokang movie na ito!! Hmpft!!



Cast:
Pinagbibidahan nila Rose Byrne as Renai Lambert, Patrick Wilson as Josh Lambert at Barbara Hershey as Lorraine Lambert. (Well, hindi kasama sa movie at beking si Adam Lambert..) Si Rose ay very active lately sa mga Hollywood films.. Kasali sa sya mga movies na Bridesmaids, X-Men First Class at The Internship. As Renai sa Insidious, very effective ang Aussie actress na ito. Very motherly at makatotohanan ang pagganap niya dito sa movie.. Si Patrick naman ay medyo bihasa na genre na horror.. Siya din kasi ang bida sa The Conjuring na pumatok din sa takilya.. Pero sa movie na ito, i so swear, x10 ang acting nya!! Grrrrrr!! Samantala, si Barbara naman ay isang batikang aktres na din, actually 50 years na sya sa business at isa sa mga sikat nyang films ay ang The Black Swan. Oscars nominated best supporting actress na din sya. Sa movieng ito, karamihan eh kasali sya sa mga most scaring parts.. Kakilabot kapag naaalala ko.. Yung mga ibang casts eh mahuhusay din tulad nung mga batang Lamberts na inosente kaya lalong katakot kapag nanjan na ang mga mumu.. May comedic relief din paminsan mula naman sa mga nagsipagganap na assistant ni Elise.. Yun lang!




Well, let me stress again na nakakaloka ang film na ito kaya feeling ko eh hindi talaga sya keri ng mga batang manunuod.. Ewan ko kung mas nakakatakot kesa sa Chapter 1 pero solid ang mga sigaw ko dito. Napakagaling ng pagkakatahi ng istorya. Isa sa mga pinakanakakatakot na part eh yung kapag pinapakita yung title ng movie with matching sound effects... Nakakakapal ng batok.. Kainis!!

All in all, since weekend pa naman eh i strongly recommend this na panuodin nyo sa sinehan.. May mga nagsasabi kasi na chaka daw at hindi gaano nakakatakot pero kapag tinanong mo naman, sa pirated dvd lang pala nanood.. Nakakagalit!! Dapat sa sinehan para buong buo ang experience... And i assure you, hindi kayo magsisisi!! Yun na po!!


Disclaimer:
Ang mga pics sa blogsite na ito ay hindi ko pagmamayari, nakuha ko lang sa web at wala akong balak na angkinin.. Sige nga, kayo nga, iprofile pic nyo to!!


Acknowledgements:
Macko and Alex
Cash and Carry Cinemas
Taters
Reyes Barbeque
Nike
Bench

7 comments:

  1. Hahaha gusto ko yung disclaimer mo.
    Looking forward on your next review.

    ReplyDelete
  2. Ganda ng review! As usual, napatawa mo na naman ako. =)

    ReplyDelete
  3. I really love following your reviews.. =)

    ReplyDelete
  4. nice review chicco... 2 days akong nTULOG NG bukas ang ilaw dhil sa palabas na ito...

    ReplyDelete
  5. I looooooooooooooove your blogs chicco! I imagine you saying these things in front of me with all the gestures and facial reactions. isama na ang mga chuckles. saya!-CK Samson, 18, Philippines!

    ReplyDelete
  6. Again, hindi aq nanunuod ng horror movies, pero grabe... Sana kayanin q ang team movie date...

    ReplyDelete
  7. Wow! I really love your blog! More power Chicco! I will definitely watch this film this weekend! xD

    ReplyDelete