Thursday, 17 October 2013

#ShesTheOne

Genre: Romance, Comedy (very very light lang)
MTRCB Rating: PG13 (May mga eksenang hindi angkop sa mga batang manonood na may edad na 13 yrs. old pababa kaya Patnubay ng mga Gurangers ay kailangan!)


Chicco's Rating: 8.908/10

Well, well, well!!! Nagbabalik ang #CINEMO... Siyempre pa, hindi dapat natin palampasin ang isa nanamang handog ng Star Cinema sa kanilang ika-20 years na anibersaryo.. Antaray diba??? Hindi maubos-ubos ang handog nila... More handog, more fun!! Well, eto na nga ang She's The One... Tulad na din ng mga naitrailer na eh ang movie ay may tema na pag-ibig na nagsimula sa pagiging magbestfriend!! At siyempre pa, countdown muna tayo nga Top 3 films na may ganitong tema na pumatok sa takilya:

1. Labs Kita, OK Ka Lang??
- Sino ba naman ang makakalimot sa mga linyang, "Oo, bestfriend mo lang ako.. And I made the biggest mistake of falling in love with my bestfriend..." ni Bujoy played by Jolina Magdangal na sinabi nya kay Ned played by Marvin Agustin.. Ilang libong beses na ata naipalabas 'to sa Cinema One pero hindi pa din nakakasawa.. Aminin nyo yan sa mga puso niyo!!!


2. My Bestfriend's Wedding
- Siyempre pa, hindi naten makakalimutan ang I Say A Little Prayer (For You) na soundtrack ng pelikulang ito na isa sa mga pinakasikat na movies ni Julia Roberts sa papel na Julianne, isang restaurant critic na nainlove sa kanyang bestfriend na malapit ng ikasal.. Eto rin ang isa sa mga unang films ni Cameron Diaz... Ayan oh.. Jugets pa sila!!! Taray!!!


3. Paano Na Kaya?
- Eto naman ang recently lang na bumenta sa dami ng miyembro ng KimErald!!! Non-Goverment Organization na ata sila sa dami ng members.. Kaloka!! Winner ang linya ni Mae, played by Kim Chiu, sa kanyang bestfriend turned syota na si Bogs, played by Gerald Anderson... "Sana lumayo ka na lang. Eh kaso, syinota mo ako eh! Syinota mo ang bestfriend mo..." Bongga!!!


So eto na nga!!! Ano naman kaya ang paandar ng sure-hit movie na She's The One?? This is it!!

Story:
Ito ay kwento nina Cat, Wacky at David... Si Cat ay isang 28 yrs old na dalaga na may-ari ng isang Laundry shop at bread winner ng pamilya. Bestfriend nya si Wacky, isang babaero at sikat na morning show host na magdidiwang ng kanyang 30th birthday.. Sampung taon na silang matalik na magkaibigan pero umaasta silang magjowa na pinagpipilitan namang mangyari ng kanilang mga kaibigan.. Narealize ni Cat na matagal na pala nyang mahal si Wacky pero ayaw naman niyang masira ang kanilang bestfriendship.. Samantala, sa isang maulang gabi ay nasiraan ng sasakyan si Cat. Sakto naman na napadaan si David, isang poging-pogi, sariwa at 20 years old na binatilyo... Nabighani sya kay Cat na nagkukumpuni ng kanyang sasakyan pero natorpe naman sya na kilalanin ang babae kaya vinediohan nya na lang ito at pinangalanang The Girl in the Rain... So.... Panu kaya magkakatagpo ulet si David at ang kanyang Girl in the Rain? Magiging magsyota ba sina Cat at Wacky o sina Cat at David ang magkakatuluyan? Infernes diba, kakaibang love triangle.. Alamin ang kasagutan sa sinehan.. Showing na!!!



Cast:
Pinangungunahan ng bonggang-bongga si Bea Alonzo as Cat.. Ewan ko nga ba kung anu ang problema ng mga major award-giving bodies ng Pilipinas at hindi pa nananalo ng Best Actress award ang babeng ito?? Hellllerrrrr!!! Kamusta naman ang akting nya sa One More Chance, Sa'yo Lamang, The Mistress at 4 Sisters and a Wedding?? Anu pa ba ang gusto ng mga jurors?? Wow!! Jurors talaga?? Well, sa movie na ito ay ipinakita nya na naman ang kanyang husay sa pag-arte.. Believable sya as 28 yrs old kahit sa totoong buhay eh 25 lang sya.. Naalala ko tuloy ang role nya as a 21 yr old Atty. Katrina Argos sa teleserye na Kay Tagal Kang Hinintay nung 15 yrs old pa lang sya.. Sa movie na ito, napakafresh nya lang!! Parang bagong pitas na apple!! Wow!!! Bumagay ang freshness nya kay Enrique Gil at bumagay naman ang maturity ng akting nya kay Dingdong Dantes!!! Speaking of the leading men, hindi naman sila nagpahuli sa aktingan, Si Enrique as David at Dingdong as Wacky. Kay Enrique muna tayo.. Kung may Most Adorable award eh sya na ang winner.. Napacute ng batang ito at parang ang bango bango.. Ansarap alagaan, ibalot sa bulak at paramihin!! Anu yan?? Kisses??? Well, ang hyper nya sa movie at saktong sakto ang akting nya bilang isang batang nainlove sa isang nakatatandang babae. I can't think of somebody else na bagay sa role!! Good job ka boy!! Dumako naman tayo kay Dingdong na peborit ngayon ng Star Cinema.. Aminin naten na si Dingdong ang isa o nagiisang lead male stars na produkto ng GMA7 na nakakaarte ng tama... Pasintabi po sa mga Kapuso pero totoo!!! Kaya naman sa huling dalawang taon eh nakakuha sya ng Best Actor awards sa pelikulang Segunda Mano at One More Try... Sa movie na ito, masasabi ko hindi naman sya natabunan ni Bea at talagang nakakadala ang mga eksena na kasama sya.. Feeling ko, madami pa ang magiging pelikula nya with Star Cinema dahil maayos naman sya magtrabaho base na din sa mga leading ladies nya... Samantala, very very light naman ang kumabog sa support casts.. Mga hindi masyadong pansinin, at mga hindi masyado kilala.. Ang tumatak lang saken eh si Maricar Reyes at ang prettyng bata na si Liza Soberano.. Yun na!!! The rest, thanks for joining the film... Mabuhay kayong lahat!!





Well, masasabi ko na matagumpay ang pagsasanib pwersa na ito ni Bea, Dindong at Enrique.. Sakop ang fans ng ni Bea sa ABS-CBN 2, ang mga followers ni DingDong GMA 7 at ang mga batang fans na ka-age bracket ni Enrique.. Mahusay ang direksyon ni Mae Cruz na bihasa na din sa mga ganitong tipo ng mga films... Tiyak naman na makakarelate ang karamihan dahil syempre, ang focus ng storya ay isa sa mga Core Values of Humanity na LOVE!! Tama ba yun Megan Young?? Anyways, hindi man kasing ganda ng One More Chance na naging basehan ko na ng isang magandang Romantic Film, eh hindi na din talo kung papanuodin nyo ito sa sine... Hindi masyadong seryoso, hindi rin naman corny, sakto lang!! Yun na!!!

All in all, must see ito sa sinehan.. Isama nyo na ang mga juwa nyo at ang mga bestfriend nyo na gusto nyong syotain para magkaalaman na after ng film!!! Go!! Push!!! 


Disclaimer:

Ang mga pics sa blog na ito ay hindi ko pagmamay-ari at nakuha ko lang sa web... Pahiram lang!! Wag tayo magdamot!! 

Acknowledgements:
Cash and Carry Cinemas
Macko and Alex
Taters
Jollibee, Bida ang Saya

8 comments:

  1. Love ends, Friendship stays forever!

    ReplyDelete
  2. Nice review. Gonna share it in pex. Thank!
    - BEA A. fan here

    ReplyDelete
  3. Thanks for the review sa movie na ito. Share ko para samahan na ko nila momi rose at gareth manood. Hehehe. Natawa na naman ako sa review mo.

    ReplyDelete
  4. Love it! So ang movie na ito ang basis kung ang kaibigan ay pedeng syotain?! hahaha!

    ReplyDelete
  5. What you're saying is completely true. I know that everybody must say the same thing, but I just think that you put it in a way that everyone can understand. I'm sure you'll reach so many people with what you've got to say.

    ReplyDelete