Monday, 7 October 2013

#KungFuDivas

Genre: Action, Comedy, Family Drama
MTRCB Rating: PG13 (Patnubay ng mga thunderbolts ay kailangan ng mga jugets na manonood na may eded 13 y/o pababa!)

Chicco's Rating: 8.8223/10

Without further ado, I give you my movie review of Kung Fu Divas na isa na namang handog ng Star Cinema sa kanilang ika-20 years na anibersaryo!! (Wala munang masyadong hanash (chika) dahil nauupset ang stomach ko na nakakaapekto sa brain cells ko!!)



Story:
Magsisimula ang kwento kay Charlotte, isang simpleng babae na may kahabaan ang pez na naghahandang sumali sa isang prestihiyosong beauty pageant, ang Hiyas ng Dalampasigan 2013. Siya ay galing sa pamilya ng mga beauty pageant title holders, ang kanyang ina, ama at dalawang kapatid na babae. Bata pa lang si Charlotte ay sumasali na sya sa mga contests pero laging Lotlot de Leon (talo) at special award lang ang kanyang nakukuha tulad ng Miss Courage!! Hahahahhahaha... Anu bang award yun??? Dahil sa pressure ay kinakailangan na nyang manalo sa paparating na patimpalak dahil na din sa kanyang edad. Full support naman ang kanyang pamilya sa lahat ng sinasalihan nya. Sa gabi ng pageant, habang kahilera nya ang ibang kandidata na literal na mukhang mga napadaan lang, eh lumakas ang chance ni Charlotte na manalo. But, may isang babae na biglang sumulpot, ang mala-diyosa at talaga nga namang pak na pak na si Samantha. Sa pagdating ni Samantha sa bayan nila Charlotte ay magugulo ang kanilang mga buhay-buhay, malalaman na may konek sila sa isa't isa at kailangan nilang magtulungan para sa nakaambang panganib na dala ng kanilang nakaraan.. Wow!!! Anu ang konek nila sa isa't isa?? Sino ang nanalo sa pageant?? Baket Kung Fu Divas ang title at hindi Pagent Divas?? Well, thank you for those wonderful questions but I believe that you will get the answers once you see the movie... Thank you and good evening Las Vegas!!! (Anu daw???)





Cast:
Pinagbibidahan ni Ms. Ai-ai Delas Alas at Ms. Marian Rivera na tumayo ding mga producers ng movie na ito... Well, kabisado na natin lahat si Ai-ai.. Alam naten na kapag siya ang bida eh sure hit at siguradong nakakatawa.. Sa movie na ito ay pinakita nya ang husay nya hindi lang sa pagpapatawa pero pati na din sa drama.. This is why I love her... Aminin naman naten na kapag comedian ka eh ang hirap seryosohin kapag umiiyak na pero kapag si Ai-ai ang gumawa eh nakakaiyak talaga.. Sinu ba naman ang makakalimot sa mga moments nya sa Tanging Ina series diba?? Sa movieng ito, may monent din sya na saktong-sakto ang emosyon at believable sa kanyang character na si Charlotte... Samantala, sa unang pagkakataon ay nagkaroon na din ng pelikula si Marian Rivera with Star Cinema... Sa wakas at magkakabox-office na ulit sya after ng 2010 movie nya with Dingdong Dantes na You To Me Are Everything na kumita ng over P101M. Flop kasi ang last movie nya na My Lady Boss na ayon sa third party tabulator na Box Office Mojo ay kumita lamang ng humigit' kumulang na P20M considering na sila ni Richard Gutierrez ang bida.. Well, good move naman kay Marian at nagdecide na sya na makitie-up kay Ai-ai at sa Star Cinema.. Patungkol naman sa performance nya sa movie, infer, nakasabay naman sya kay Ai-ai.. Actually, may mga eksena nga na parang mas naover-power nya ang Comedy Queen na hindi ko alam kung good point or bad point yun.. Isa din si Marian sa mga stars na may kahusayan sa Comedy at Drama.. Parang Maricel Soriano ang peg nya na mataray na kayang magdramedy!! Sa movie na ito, parang kapag may eksena siya eh mapapasabi ka na lang na, "Nakakainis!! Ang ganda ni Marian!!!" Hahahhahah... Goodluck sa kanya at sana ay hindi ito ang last movie nya with Star Cinema.. Samantala, kabog ang mga supporting casts sa pangunguna ni Edward Mendez na 90% ng movie ay nakahubad-baro (topless), nakaputing sweat pants at bakat na bakat si junjun binay!!! Feeling ko nga may sariling talent fee si junjun na dahilan naman para malaglag ang panty ng mga babae sa bayan nila Charlotte... Bidang-bida si junjun lalo sa ending credits na halos sa kanya nakafocus ang camera.. Nakakaloka!!! Standout din ang mga beauty queens na sila Precious Lara Quigaman, Bianca Manalo at Ms. Gloria Diaz as family ni Charlotte.. Welcome back naman kay Roderick Paulate na effort din sa movie na ito!!! Yun na!!!






Well, nakakatawa ang movie na ito lalo sa part nung Pageant na may kakaibang talent portion.. Maganda din ang pagkakalahad ng back story at values ng pamilya at pagtanggap sa sarili... Habang patagal naman ng patagal ang movie eh medyo nagconcentrate na sila sa pagpapakita ng bonggang effects na mala-300 ang peg kaya medyo nawala na ang comedy parts.. Ikinalulungkot ko mang sabihin pero may eksena sa bandang huli na nakakaantok... Sana lang ay nabalanse pa din ang comedy at action all througout this wonderfully crafted film.. Gumaganern??? Hahhahah... Yun na!!!

All-in-all, worth it pa din naman na panuodin sa sinehan dahil pinghandaan ang movie at hindi tinipid sa production kaya mafifeel nyo naman na hindi sayang na maglalabas kayo ng pera.. Kudos sa direktor na si Onat Diaz... Sana lang eh nagconcentrate din sa movie na ito ang Star Cinema sa pagpopromote dahil habang palabas pa ito eh mas marami pa din ang ads nila ng MomZilla at ang highly anticipated na She's The One... History naman na maituturing na may big star na nag-ober-da-bakod from 7 to 2 para gumawa ng ganitong pelikula na feeling ko ay dapat ginagawa madalas para mas madami ang manood since naipipromote ang movie sa dalawang malaking channels.. Ang winner sa ending ay ang pelikulang Pilipino!!! Yun na po!!!



Disclaimer:
Ang mga pics sa blogpost na ito ay hindi ko pagmamay-ari at nakuha ko lang sa web... Nastress pa din ako sa pic na ito ni Edward Mendez... Juice ko pong pineapple!!!


Acknowledgements: 
Macko, Alex and MJ
Mini-Stop
Auxbeat Dance Company
Team Carissa of PLM Tugon-RESQUE
Central BBQ Boy Grill

1 comment: