Monday, 30 September 2013

#SanaDati

Genre: Romance, Drama, Indie
MTRCB Ratings: PG (Patnubay ay kailangan sa mga jugets na manonood!)

Chicco's Rating: 9.99/10

Well, nagbabalik ang #CINEMO.. Kapag talaga nakakapanuod ako ng matitino at makabuluhang mga pelikula eh napapablog talaga ako.. At eto na nga... Minsan lang ako mapabilib ng mga Romantic films... Kasi ba naman, karamihan eh pare-pareho na lang ang storya: "mahirap si lalaki, mayaman si babae" o kaya "may kabit si lalaki, si babae naman eh kabit din pala ng ibang lalaki"! Ganern!! Ulit- ulit lang.. Minsan nadadaan na lang sa promotion kaya kumikita. Samantala, ilan sa mga paborito kong mga movies na nag-paibig at nagpaluha sa akin ay ang My Sassy Girl (yung Korean ha, hindi yung remake ng US), ang A Walk to Remember at If Only, at syempre pa hindi papahuli si Popoy at Basya ng One More Chance. Again, may kakaibang istorya, may sense at makakarelate ang bawat pusong nagmamahal!!! Wooooow!!! 





Eto na nga!! Sinipag ako ulit magblog after ko mapanuod ang pelikula na ating irereview, ang Sana Dati.. Background lamang po ulit... Isa ang movie na ito sa mga pinalakpakang pelikula sa nakaraang Cinemalayà Independent Film Festival kasabay ng Ekstra ni Ate V at Instant Mommy ni Uge.. Well actually, big winner ang movie na ito na nag-uwi ng 8 awards kabilang na ang Best Film sa Director's Showcase, Best Director at Best Supporting Actor awards... Uunahan ko na kayo, deserve na deserve nila... Sa katunayan, kahit napanuod ko na ito noong original run nung Film Fest, pinanuod namen sya ulet ngayon na pinapalabas na sya sa mas maraming sinehan nationwide... Anu nga bang meron sa movie na ito at mataas ang ibinigay kong rating?? Well, eto na nga!!!



Story:
Magsisimula ang istorya kay Andrea at Andrew, isang simpleng magkasintahan na nagpaplanong magtayo ng isang flower shop. Habang tinitignan ang puwesto ng kanilang magiging negosyo, nasurpresa si Andrea sa simple at sweet na engagement proposal ni Andrew. Samantala, sa isang hotel, abala ang lahat sa pagaayos ng kasal. Dumating ang videographer na si Dennis para icover ang wedding nila Andrea at Robert.. Tama!!! Andrea at Robert Nuptials... Sa pagdating ni Dennis, mabubulabog at mededelay ang kasal dahil biglang mawawala si Andrea... Sino si Dennis sa buhay ni Andrea?? Baket si Robert ang groom at hindi si Andrew?? Mahahanap ba nila ang nawawalang si Andrea at may matutuloy bang kasalan?? Maliliwanagan kayo kapag punanuod nyo ang pelikulang ito!!!


Cast:
Pinagbibidahan ni Ms. Lovi Poe sa papel na Andrea. I must say, bilib ako sa kanya sa akting nya sa mga pelikulang Temptation Islands at Yesterday, Today and Tomorrow pero after watching this movie, I became a fan.. Naniwala ako na siya si Andrea, yung babaeng ikakasal at naguguluhan sa mga nangyayari sa buhay nya. Very effective at makatotohanan ang pagganap.. In other words, perfection!!! Samantala, ang tatlong lalaki sa buhay ni Andrea na sina Robert, Dennis at Andrew ay ginampanan nina TJ Trinidad, Paulo Avelino at Benjamin Alves respectively... Si TJ Trinidad ang itinanghal na Best Supporting Actor sa kanyang natatanging pagganap bilang isang mayamang politician na umibig at magpapakasal kay Andrea. Siyempre naman, hindi naman sya siguro mananalo kung puchu-puchu ang akting nya diba?? Actually, bagay na bagay ang role sa kanya. Ang husay nya sa part nung nagdadalawang-isip sya kung itutuloy pa ang kasal. Again, makatotohanan.. Winner!! Si Paulo naman ay bihasa na sa mga Indie films at mas nahasa na ang akting dahil sa mga teleserye nya.. Sa movie, may heavy drama sya na hindi nalalayo sa akting nya as Nathan or yung baliwag na kapatid ni Coco sa Walang Hanggan. Yun lang ang problema ko ng very very light.. Parang wala ng difference minsan yung mga arte nya. Parang pangbaliw na lang lahat. Pero sa movieng ito, forgivable naman sya.. Choosy pa ba tayo, Si Paulo na yan!! Pde ba!!! Lastly sa main cast ay si Benjamin Alves na sinurpresa ako ng bongga dahil sa kanyang acting prowess.. The most memorable scenes ay galing or parte sya at masasabi kong malayo ang mararating na batang ito na kaloka-like ni Papa P at Joem Bascon.. Related ata silang tatlo.. Well, kung gayun, ang magaling na pagarte ay nasa angkan na nila.. Gujab... Lahat, as in lahat ng support casts ay nagperform din ng maayos... Walang talagang maliit na role sa mga artistang magagaling umarte at lahat sila dito, bida man or supprot eh mahuhusay nagampanan ang kani-kanilang parts... Mabuhay kayong lahat... Ayun na!!!





So anu nga ang naramdaman ko after ko manuod ng movie?? Well, in love... In love sa story, sa characters at way kung panu sya ikinuwento. Sa simula, magulo pa ang istorya pero dahil sa galing ng pagkakatugma at pagkakaedit ng movie eh masasabi ko na isa ito sa may pinakamatalinong way ng pagpapahayag ng istorya.. Mahusay ang director na si Jerrold Tarog na ginawa pa ang kwento seven years ago... Salamat naman at naging pelikula sya... Magaling na nailahad ang kwento ng bawat characters, maayos na naiparamdam sa manunuod kung ano ang hinihingi ng isang scene. May part kasi na nabore ako sa paghihintay ng kasal.. Narealize ko na yun exactly ang nararamdaman nung mga gumanap na mga friends at family na umattend ng kasal.. Gujab ulet!!! 

All in all, minsan lang ako magrecommend talaga at itong movie na ito ay certified #MustSee!!! Masasabi ko na this is one of the best indie films ever!! Congrats!!! Kung may time kayo this week, go na at panuodin to... Sana maenjoy nyo din... Yun na!!


PS: Goodluck sa Sana Dati na namamayagpag na din sa mga International Film Festivals tulad ng Busan at Hawaii Film Fest..

Disclaimer:
Ang mga pics sa blog na ito ay hindi ko pagmamay-ari at nakuha ko lang sa web... Pero ang pic sa baba, akin yan!!! Obvious ba????


Acknowledgements:
Macko and Alex
NY Fries and Dips

Special Thanks to:
Miss Lovi Poe
Benjamin Alves
Director Jerrold Tarog

Friday, 20 September 2013

#InsidiousChapter2

Genre: Suspense, Horror, Thriller, Nakakaloka!!!!
MTRCB Rating: R13 (Ang pwede lang manuod sa sine ay ang may edad na 13 yrs. old pataas.. Kung ako ang tatanungin, hindi keri ng mga bata ang movie na ito.. Nakakaloka!!!)

Chicco's Rating: 9.98/10

Nasabi ko na ata dati na sobra akong matatakutin pero sobra ko ding hilig sa mga horror films.. Parang tanga lang diba?? Yung after kong manuod eh mapaparanoid ako tapos magiimagine ng mga bagay-bagay tapos mahihirapang matulog. Yan ang dala sa akin ng isang magandang Horror Films.. Alam namen naten na ang pinakamagagaling gumawa ng Horror films eh ang Japan, Thailand at US. Ilan sa mga all time favorite kong mga horror films ay ang Coming Soon, The Grudge at ang Paranormal Activity series except sa huling part na ang chaka na ng pagkakagawa. Kung may time kayo, try nyo yung Coming Soon, talagang warla ang movie na yan..




Eto na nga! Isang horror film na naman ang talaga nga namang kumatok sa puso ko ng bongga at hindi pinatahimik ang katawang lupa ko. Ang Insidious. Ang Chapter 1 ay ipinalabas noong April 2011. Ayon sa aking research, halos $1.5M lang ang budget ng naturang pelikula ngunit tumabo sila sa takilya ng halos $100M sa kanilang worldwide release.. Taray!! Tubong lugaw diba? Well, deserve naman dahil simple ang atake ng movie sa pananakot pero nakakakilabot talaga. Dahil na nga sa pumatok ang unang movie eh nasundan nga ito ng isa pang Chapter. Yaman din lamang na malaki ang kinalaman ng naunang movie eh minabuti ko na ipaalam sa inyo ang buod ng Chapter 1 para mas mafeel nyo ang pangalawang movie. Recollection na din ito sa mga taong nakapanuod na nung first movie. So eto na nga:

Umikot ang storya sa pamilya ni Josh at Renai Lambert na bagong lipat sa isang bahay kasama ang tatlo nilang anak, dalawang batang lalaki at isang baby girl. Si Dalton, panganay nilang anak, ay nakatulog isang gabi at hindi na nagising. Isinugod sya sa ospital at sinabi lang ng doktor na siya ay nacomatose. Iniuwi na lamang siya sa kanilang bahay nila Josh at Renai. Nagsimula na nga ang mga nakapanghihilakbot na pangayayari sa kanilang bahay. May demonyo , may mga multo at mga iba pang elemento ang gustong pumasok sa katawan ni Dalton. Humingi ng tulong ang lola ng mga bata na si Lorraine sa kanyang kaibigang si Elise na may alam patungkol sa mga paranormal activities. Sabi ni Elise na may kakayahan si Dalton na magastral project o maglakbay ang kaluluwa neto habang siya ay tulog at feeling nya na malayo na ang narating ni Dalton kaya nahihirapan na syang makabalik. Maaari daw na napadpad si Dalton sa "the Further" kung saan naglipana ang mga kaluluwa ng mga yumao na naguunahang makakuha ng katawan para makabalik sila na buhay. Eto na nga ang gusto ng mga elemento, ang gamitin ang katawan ni Dalton para makabalik. Samantala, naikuwento naman ni Lorraine at Elise na si Josh din ay may kakayahang magastral project. Pumayag si Josh na sumailalim sa isang trance para makatulog sya ang hanapin ang kaluluwa ng anak. Nahanap nya naman si Dalton na nakakadena sa isang room na binabantayan ng isang demonyo. Nakatakas sila at nakabalik sa kanilang katawan. Habang kinakausap ni Elise si Josh para tanungin sa mga nangyari, nakunan nya ng litrato si Josh at nagulat sa kanyang nakita. Agad naman siyang pinatay ni Josh. Nagtapos ang movie na nagiimply na hindi si Josh ang nakabalik kundi ang isang babaeng nakablack na wedding gown na simula bata pa lang si Josh eh gusto ng makuha ang kanyang katawan.. Ayun na nga!!! 





Ngayong alam nyo na ang background ng movie, eh mas maiintindihan nyo na kapag pinanuod nyo ang Chapter 2. Eto na nga ang masasabi ko sa movie na showing na sa inyong mga suking sinehan. BABALA: Nakakaloka!!!

Story:
Nagsimula ang movie sa taong 1986 kung saan nanghingi ng tulong si Lorraine Lambert sa mga kaibigan nitong mga paranormal experts na sina Carl at Elise para tulungan ang kanyang anak na si Josh dahil siya ay ginagambala ng isang espiritu ng babaeng nakablack na Bridal Gown na laging nakasunod kay Josh sa mga litrato. Minabuti ng grupo na isupress ang memory ni Josh at makalimutan na nya na magastral project. Samantala, sa kasaluluyang, eh iniimbistigahan pa rin ang pagkamatay ni Elise na ibinibintang kay Josh. Lumipat na ng bahay ang mga Lambert ngunit tuloy pa din ang mga nakakakilabot na pangyayari. Minabuti ni Lorraine na humingi muli ng tulong kay Carl at sa dating mga assistant ni Elise para isolve ang mga bagay-bagay na nangyayari sa mga Lambert. Ano nga kaya ang gumugulo ulit sa mga Lamberts? Nakakapaglakbay pa din kaya ang mga kaluluwa nila Dalton at Josh? Sino ang Black Bride at ano ang pakay nya sa pamilya? Saan hahantong ang tagpong ito?? Minahal kita pero ako'y ginago mo!! (Stupid Love!!!) Yan at marami pang mga bagay ang maliliwanagan kayo kapag pinanuod nyo ang, again, nakakalokang movie na ito!! Hmpft!!



Cast:
Pinagbibidahan nila Rose Byrne as Renai Lambert, Patrick Wilson as Josh Lambert at Barbara Hershey as Lorraine Lambert. (Well, hindi kasama sa movie at beking si Adam Lambert..) Si Rose ay very active lately sa mga Hollywood films.. Kasali sa sya mga movies na Bridesmaids, X-Men First Class at The Internship. As Renai sa Insidious, very effective ang Aussie actress na ito. Very motherly at makatotohanan ang pagganap niya dito sa movie.. Si Patrick naman ay medyo bihasa na genre na horror.. Siya din kasi ang bida sa The Conjuring na pumatok din sa takilya.. Pero sa movie na ito, i so swear, x10 ang acting nya!! Grrrrrr!! Samantala, si Barbara naman ay isang batikang aktres na din, actually 50 years na sya sa business at isa sa mga sikat nyang films ay ang The Black Swan. Oscars nominated best supporting actress na din sya. Sa movieng ito, karamihan eh kasali sya sa mga most scaring parts.. Kakilabot kapag naaalala ko.. Yung mga ibang casts eh mahuhusay din tulad nung mga batang Lamberts na inosente kaya lalong katakot kapag nanjan na ang mga mumu.. May comedic relief din paminsan mula naman sa mga nagsipagganap na assistant ni Elise.. Yun lang!




Well, let me stress again na nakakaloka ang film na ito kaya feeling ko eh hindi talaga sya keri ng mga batang manunuod.. Ewan ko kung mas nakakatakot kesa sa Chapter 1 pero solid ang mga sigaw ko dito. Napakagaling ng pagkakatahi ng istorya. Isa sa mga pinakanakakatakot na part eh yung kapag pinapakita yung title ng movie with matching sound effects... Nakakakapal ng batok.. Kainis!!

All in all, since weekend pa naman eh i strongly recommend this na panuodin nyo sa sinehan.. May mga nagsasabi kasi na chaka daw at hindi gaano nakakatakot pero kapag tinanong mo naman, sa pirated dvd lang pala nanood.. Nakakagalit!! Dapat sa sinehan para buong buo ang experience... And i assure you, hindi kayo magsisisi!! Yun na po!!


Disclaimer:
Ang mga pics sa blogsite na ito ay hindi ko pagmamayari, nakuha ko lang sa web at wala akong balak na angkinin.. Sige nga, kayo nga, iprofile pic nyo to!!


Acknowledgements:
Macko and Alex
Cash and Carry Cinemas
Taters
Reyes Barbeque
Nike
Bench

Thursday, 19 September 2013

#MomZillas

Genre: Comedy, Family Drama
MTRCB Rating: G (Pwede sa lahat ng manonood, jugets man o thunderbolts!)
 
Chicco's Rating: 8.44/10
 
Well, well, well, nagbabalik ang #CINEMO. Pasensya naman at medyo tumamlay ang mumunting blog na ito dahil na din wala masyadong magagandang pelikula kamakailan. Ngunit, subalit, datapwat, nung Wednesday eh palitan na naman ng mga pelikula at nagsabay-sabay naman ang mga pelikulang may K (as in KWENTA) para pagtuonan ng pansin at panuodin sa sinehan. Well, eto na nga at simulan naten sa MomZillas.
 
Wait lang! Pagtuunan muna natin pala ng pansin ang Direktor ng movie na ito na si Direk Wenn Deramas. Isa siya sa mga tinuturing na Box-Office directors ng Pilipinas na nagconcentrate sa mga GV GV (Good Vibes) lang na mga pelikula. Well, FYI, 4 out of the Top 10 Highest Grossing Filipino Films of All Time eh prinoduce ng Star Cinema at Viva Films at gawa ni Direk Wenn: Sisterakas, Praybeyt Benjamin, This Guy's In Love With You Mare and Ang Tanging Ina N'yong Lahat. Kung susumahin lahat ng kinita ng apat na films na ito ay lalagpas sa P1B o 1/10 ng pinagtatalunang Pork Barrel Funds Scam (maisingit lang kahit walang konek!)





Naging fan na din ako ni Direk Wenn dahil na din karamihan sa mga comedy films nya eh pumatok talaga saken. Yung mga ginagawa nyang pelikula yung masarap panuodin after ng trabaho kapag gusto mo lang na tumawa at kalimutan ang stress na dala ng araw-araw na gawain. Wow! Dahil jan, medyo kabisado ko na ang formula niya kapag gumagawa sya ng movie. Kung mahilig din kayo sa mga movies nya, mapapansin nyo din siguro ang mga sumusunod na sangkap para sigurado na SURE HIT ang pelikula:
 
1. Hindi mawawala si DJ Durano, mawala na ang bida, wag lang si DJ Durano


2. Karaniwang pinagbibidahan ni Ai-Ai Delas Alas, Vice Ganda, at Eugene Domingo, kapag sila ang bida, SULIT!!!
3. Laging may eksena sa loob ng simbahan, maaaring may binyag, patay, misa or most of the time eh magtatapos ang movie sa kasalan ng mga bida
4. Sumesentro ang kuwento sa family problems, acceptance sa society at syempre sa LOVE, may part palagi sa movie na may confrontation at dramatic scenes sa bandang huli
5. May bloopers kadalasan sa end credits
6. Hindi mawawala si DJ Durano (nasabi ko na pala to!! Haha!!)


 
Going back, eto na nga ang MomZillas na palabas na ngayon in more than 100 cinemas.
 
Story:
Magsisimula ang movie sa pagpaplano ng kasal nina Rina at Elwood. Ang problema ay hindi pa nila napapaalam sa kanilang mga mothers na sina Clara at Minerva ang nalalapit nilang kasal. Si Clara ay isang single mom na nagtaguyod kay Elwood samantalang si Minerva naman ay hiwalay sa asawa at kinailangang iwan ang anak na si Rina para magtrabaho sa London. Dumating na nga ang araw ng pamamanhikan at dito na nagtagpo ang pamilya nila Rina at Elwood. Para maging close ang dalawang ina, nagset ng get-together sa isang yate sina Elwood sa kalagitnaan ng isang delubyo-ish na bagyo. Sa kasamaang palad ay tinangay ng alon at lumubog ang yate. Sa kabutihang palad naman ay nakaligtas ang lahat ngunit napadpad sina Clara at Minerva sa pampang ng isang isla kung saan kinakailangan nilang magtulungan para makasurvive.. Baket nga ba hindi nila bet ang isa't-isa? Magkakayos kaya sila at makakaalis ng isla? Matutuloy kaya ang kasal ng kanilang mga anak? Yan at marami pang tanong ang masasagot kapag pinanuod nyo ang movie na ito.


Cast:
Pinagbibidahan nila Ms. Maricel Soriano as Clara and Ms. Eugene Domingo as Minerva. Let me just say na ang pres pres ni Maricel sa movie at parang mas bumata ang itsura nya. Matagal na din since last na gumawa sya ng movie kaya magandang comeback ang pelikulang ito ng Star Cinema at naipromote ng maayos.. Bukod sa drama eh sanay naman sa comedy tong si Marya kaya hindi naman sya nagpahuli kay Eugene. Speaking of Uge, isa na namang powerful na performance ang ipinakita nya dito.. Kahit comedy eh TV Patrol acting ang ginamit nyang atake kaya naman nakakatawa. Napagod ako sa kanya sa movie... More more sigaw with matching British accent.. Samantala, very tame naman ang performance nila Andi Eigenman at Billy Crawford. Actually, wala masyadong nakakatawang part ang nanggaling sa kanila. Hindi rin naman ganung kabongga ang dramatic parts. In other words, mini-mini lang ang ganap nila sa movie.. Hindi rin sila bagy na magjowa.. Para silang magkapatid... Favorite ko naman ang mga performance ng support cast na sina Candy Pangilinan at Joey Paras... Mga 2/6 ng movie eh sa kanila nanggaling ang mga tawa ko.. Ayun lang!!




Well, naging maganda naman ang kinalabasan ng movie.. May chemistry naman kasi talaga si Marya at Uge tulad ng naipakita nila sa movie na Bahay Kubo. Antaray lang ni Uge dahil ngayon ay kalevel na nya si Marya. Sa kabilang dako, i am looking forward na magkaroon ng ibang atake si Direk Wenn sa mga susunod nyang movie.. Bagong storya, bagong mga cast at magexperiment din ng mga tambalan.. Ayun lang.. (Nga pala!! Isang himala, wala si DJ Durano sa movie na ito.. Ano kaya ang nangyari sa kanila ni Direk.. Hmmmmmm!)

All in all, must see ang pelikulang ito lalo na ngayong weekend.. Pampamilya, pambarkadahan, panlahatan na!! Go!! Push!!


 Disclaimer:
Ang mga pics sa blog na ito ay hindi ko pagmamay-ari ang nakuha ko lang sa web.. Pahiram lang please!!

Acknowledgements:
Macko, Alex and Jhen
Glorietta 4 Cinemas
Burger King
Smokey's Hotdogs

Wednesday, 4 September 2013

#Elysium

Genre: Action, Science Fiction
MTRCB Rating: PG-13 (Pwede panuodin sa sinehan ng mga may edad na 13 years old pababa basta may kasamang thunder bolt (adult)!)

Chicco's Rating: 7 1/2 /10 (Parang size lang ng sapatos!)

Pagkatapos ng pabulosang On The Job, balik naman tayo sa Hollywood films. Tulad ng sinabi ko dati, hindi ako talaga fan ng action movies pero kapag gawang ibang bansa eh nakukuha ang attention ko at pinapanuod ko na din. Baket? Kasi may sense, may kakaibang story at may pag-aaksaya ng budget... May mga napanuod ako na nagpapasabog pa talaga ng mamahaling kotse, eroplano, train, at kung anik-anik pang pwedeng pasabugin para lang maging makatotohanan ang mga scenes. Bukod dun, parang hindi sila nauubusan ng bagong kwento. Although karamihan ay tungkol sa politics eh naipapakita pa din ang pagkakaiba sa visual effects. Last nga na pinalabas na may halos magkaparehas na tema at story eh ang Olympus Has Fallen ni Gerard Butler at White House Down ni Channing Tatum. Parehas kumita kahit title pa lang eh pareho na ang ibig sabihin...



Personal favorite ko naman ang mga action fims tulad ng Salt ni ate Angelina Jolie at Kill Bill ni ninang Uma Thurman dahil mas nakakabilib kapag babae ang gumagawa ng mga action scenes. Top picks din for me ang Taken 1 at 2 sa ganda naman ng story at uber na suspense habang pinapanuod mo.





So eto na nga! Ang Elysium na nagshowing na dito sa Pinas kahapon, September 4, sa inyong mga suking sinehan. Anu nga ba ang masasabi ko sa movie na ito? This is it!

Story:
Ang pelikula ay naganap sa taong 2154 na kung saan nahahati  na ang pamumuhay ng mga tao depende sa antas ng pamumuhay. Ang mga mayayaman at nakakaangat ng very very hard sa buhay ay nakatira sa Elysium, isang fictional na space station sa ating kalawakan na may sarili nang gobyerno. Bongga ang mga tao dito dahil may sari-sarili na silang Med-bays, o isang machine na nagpapagaling sa kanila sa lahat ng uri ng sakit, at ginagamit din sa advance na cosmetic surgery. May mga alalay din na mga robot ang mga rich people sa sosyal na habitat na ito.


Sa kabilang dako, ang mga purita mirasol (poor) ay naiwan na sa over-populated na Earth.. Imagine nyo ang Earth na puro squatters lang ang nakatira, ganern ang itsura! Ang mga pulis ay mga androids na mababagsik. Walang pribilehiyo ang mga tao sa mabilis na lunas sa kanilang mga sakit kaya naman pangarap ng bawat isa ng makapunta sa Elysium. 


Samantala, ang bida sa ating story ay si Max, isang dating preso na nakulong dahil sa pagnanakaw ng mga kotse ngunit nabigyan naman ng parole dahil siguro good boy sya sa looban. Nagtatarbaho na sya sa pagawaan ng mga robots, at mga sandata na ginagamit sa Elysium. Bata pa lang sya ay pangarap na nya talaga na makapunta sa Elysium. Isang araw, habang siya ay nagtatarbaho, may aksidenteng naganap na siya namang dahilan kung baket nya kinakailangan na makapunta agad-agad sa Elysium. Ayun na nga! Anu ang nangyari kay Max? Makakapunta kaya sya ng Elysium? Baket may bakal-bakal sya sa katawan? Robot ba sya o tao? Gatas o Choco?? Yan ang malalaman kapag pinanuod nyo ang movie na ito... 


Cast:
Pinangungunahan ng Academy Award winner na si Matt Damon as Max. Well actually, nanalo sya as a scriptwriter at hindi bilang artista. Pero choosy pa ba tayo? Andami na nyang box office na mga pelikula kasama na jan ang Bourne Trilogy. Sa kanyang pagganap as Max, eh mahusay naman nyang naitawid ang role. Kitang kita na pinaghandaan nya ang movie na 'to lalo na sa itsura nya para magmukhang bortang (muscular) ex-convict. Kasama niya dito ang hindi matatawarang aktres na si Jodie Foster. Well, si Jodie lang naman ay two-time Oscar winner so alam na! Effective siya sa role nya sa movie na ito bilang Secretary of Defense ng Elysium. Tamang-tama ang balanse ng pagiging matapang at pagiging sosyal bilang siya main na kontrabida sa movie. Yung ibang cast, hindi sikat.. Parang yung karamihan ng artista sa Channel __! (Fill in the blanks!) Hhahahhaha..

 



So ayun na nga! Parang ang ganda ng movie diba? Pero baket hindi kataasan ang rating ko. Well, let me explain... Promising ang story na tumatalakay sa kasalukuyang nangyayari sa mundo, ang pagkakaiba ng social classes, mahirap at mayaman. Maayos na naipakita ang itsura ng earth pero ang Elysium, bitin.. Parang hindi masyadong mayayaman ang nakatira. Parang yung iba, may kaya lang.. Mas bumilib pa ako sa kung papaano napakita ang estado ng buhay sa Hunger Games, yung mga nasa Districts at nasa Capitol. Ganun.. Maganda naman ang visual effects kahit na may pagkakatulad sa naunang pelikula nung director na District 9. Honestly, may mga parts na nakaidlip ako ng very very light. At partida, sa action scenes pa.. Pasensya naman.. May mga pelikula na kahit pagod ako habang pinapanuod ko eh nakukuha ang interest ko pero dito hindi masyado. Yun lang..

All-in-all, hindi na din lugi sa binayad kasi mostly naman ng movie ay visually entertaining. May mga movies na masarap na ulitin sa sinehan at hindi ito nabibilang sa mga movies na yun. Isang panuodan lang, gets mo na lahat. Kung bet nyo talaga ang action films, mas keri ang OTJ na showing pa naman. Kung mas gusto nyo naman ang more visual effects more fun, eh tiyak perfect ito sainyo. Ayun siya guys! Tapos!



Disclaimer:
Ang mga pictures sa blogsite na ito ay hindi ko pagmamay-ari at nakuha ko lang sa web. Promise, ibabalik ko kung saan ko nakuha! Pahiram lang sandali.

Acknowledgements:
Macko
Bliss Housemates Alex, Eric and Denz
Glorietta 4 Food Choices
Manang's Chicken

Next on #CINEMO: The Diplomat Hotel