MTRCB Rating: PG13 (Pwede jumoin force sa sinehan ang mga batang may edad na 13 yrs. old pababa basta may kasamang thunders.)
Chicco's Rating: 7.5302/10
Wala munang masyadong chika!!! Eto na ang movie review ko ng Bekikang!!! Go!!!
Story:
Ito ay kwento ni Bekikang, Beks for short, isang pangkaraniwang bading na solong tumataguyod sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagbebenta ng BALOOOOOOOOOT (isigaw with full emotions)!!!! Bata pa lang sya ay alam na nya na siya ay bading ngunit masaya naman sya dahil tanggap sya ng kanyang ama. Lumaki sya kasama ang kanyang bestfriend na babae at mga kaibigang mga beki din na magbabalot!! Makikilala ni Beks si Fortune, isang poging lalaki.. Syempre pa, maiinlove ang ating bida... Ngayon, baket "Nanay kong beki" ang subtitle ng pelikula?? Magkakaanak ba si Bekikang at Fortune?? May matres ba si Beks?? Fantaserye ba ito??? Well, yan ang malalaman nyo kapag pinanuod nyo ang movie na itechiwa!!! Go push na sa mga sinehan!!
Cast:
Pinagbibidahan ni Joey Paras as Bekikang. Well, unti-unti nang gumagawa ng pangalan si Joey Paras sa movie industry ng bansa... Nagsimula sya as support ng mga batikang komedyante tulad ni Ms. Aiai Delasalas sa Sisterakas at Ms. Eugene Domingo sa MomZillas.. Dahil narin siguro sa galing nya sa comedy ay napansin sya agad at nagkaron ng sarili nyang pelikula.. Mahusay din sya sa drama dahil isa sya sa bida ng Babagwa, isang patok na entry sa nakaraang Cinemalayà Film Festival kung saan nanalo sya as Best Supporting actor sa naturang festival. Sa movie na ito, mas napahanga ako ni Joey as a drama actor kesa sa pagiging comedian.. Syempre may mga eksenang nakakatawa pero yung part na dramahan eh juice ko pong pineapple, napaiyak nya ako talaga... Gujab ka teh!! Samantala, ilan sa mga supporting casts eh nagperform din ng naaayon sa kani-kanilang talent fee... Anu daw?? Unahin na natin si Tirso Cruz III bilang ang maunawaing tatay ni Bekikang. Omg!!! Nakakagalit ang husay ng beteranong aktor na ito.. Kung makaarte sa simula pa lang ng pelikula eh kala mo entry sa Film Fest ang movie na ito... No wonder, hanggang ngayon eh active at visible pa rin sya sa TV at films dahil ang husay nya talaga.. Winner ka Pip!!! Ang mga stand-up comedians naman na sina Lassie at Atak ay gumanap bilang mga beking magbabalot. Infer, may mga moments sila na funny pero minsan eh bordering na sa kaOAyan ang way nila ng pagpapatawa. Wala na akong maisip na positive comments... Sorry po!! Si Nikki Valdez naman ang best friend ni Bekikang. Dati pa ako bilib sa akting skills ni Nikki. Hindi lang talaga nabibigyan ng break at medyo napagiwanan na sya ng mga kasabayan nya.. Pero sa movie, galing-galingan din si ate! Si Tom Rodriguez naman si Fortune, ang love interest ni Bekikang.. Infernes kay Tom, malayo na ang narating ng batang ito after nyang maforce evict sa Pinoy Big Brother dahil sa pagiging bayolente! Ngayon, isa na sya sa pinakasikat na male lead stars ng GMA7 dahil sa katatapos lang na Bekiserye na My Husband's Lover.. Sa movie, epek na epek pa din ang mapupungay nyang mata at masasabi ko na nagimprove na talaga ang akting nya. Other supporting casts includes Carla Humphries na hindi pangChannel5 ang akting, meaning katanggap-tanggap at maayos, Si Rubi-rubi na nakakatawa din talaga at si Malou De Guzman na effective as wicked step mother ni Bekikang. Hitik din sa cameo roles ang movie na ito! Makikita dito sina Andi Eigenman, Iza Calzado, Dingdong Dantes, Janice De Belen at si Ms. Maricel Soriano.. Taray diba???
Well, baket ko nga pinanuod ang movie na ito?? Unang-una, si Direk Wenn Deremas ang gumawa at kwentong buhay nya daw ito. Since fan na ako ng mga GV GV lang na pelikula na ginawa nya dati eh kala ko ganun din ang levelling ng movie na ito. Tulad ng sabi ko, nakakatawa naman in some parts pero mas naantig ang puso ko at mas napaiyak ako kesa sa napatawa ako ng Bekikang. Naalala ko tuloy ang unang Tanging Ina movie na sobra din akong napaiyak nung part na tungkol sa pagmamahal ng magulang sa kanyang anak. Sa movie na ito, dahil na din sa effective na pagganap ni Joey paras eh napaiyak muli ako. To be honest, hindi na bago ang storya ng movie at ilang libong beses na nagamit sa TV at pelikula pero ayun na nga, nakakaiyak pa din.. Siguro, dahil na din yan sa likas na pagiging mapagmahal nating mga Pilipino sa ating mga pamilya... Ayun na!!!
All in all, kung gusto nyo ng isang movie trip na hindi na kinakailangan ng matinding pagiisip habang nanunood kayo eh tiyak maeenjoy nyo ang movie na ito.. Again, hindi kasing bongga ng mga naunang comedy films ni Wenn Deramas pero panalo naman sa puso at aktingan!!! Kaya push nyo na yan at manuod na kayo sa inyong mga suking sinehan!! Yun na!!!
Disclaimer:
Ang mga pics sa blogsite na ito ay hindi ko pagmamay-ari at nakuha ko lang sa web. Keri??
Acknowledgement:
SM City Naga Cinemas (dahil P130 lang ang sine)
Macko
Mang Inasal
To the lovely people of Caramoan